JANUARY 25, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


Romero gigil sa PBA
LAYKDATAN ni: Zaldy Perez

Kung ang statement ni Harbour Centre owner Mikee Romero ang pagbabatayan masasabing talagang timing na lamang ang hinihintay at aakyat na siya sa pro league.


Kaya lang tila marami pang isinasa-alang-alang ang owner ng team sa kanyang pagpunta sa PBA league.


“Talagang gigil na gigil na akong mag-PBA. Kaya lang tila mahina pa ang team kaya saka na muna”, sabi ni Mikee ‘nung gabi ng blow-out niya na idinaos sa Kamayan Edsa kamakalawa.
Talagang may katwiran si Mikee na i-focus ang pa­ningin sa PBA dahil with four consecutive titles tucked under his belt, kailangan na sigurong mag-isip-isip na siyang mag-PBA.


Dahil bitin ang Laykdatan tinanong ko siya kung merong budget para lumipat ng PBA.


“Walang problema sa budget. Kaya lang kung pu-pwede sana eh, madala ko ang pito o kundi man ang buong team sa aking pag-akyat sa PBA”, deretsong sagot ng godfather ng amateur basketball.


Well, sa palagay’ ko eh doon sa bagay na iyon magkakaron ng problema dahil tila five players lamang ang maaring dalhin batay sa ruling ng PBA.
Matatandaang hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagpahayag ng intention si Mikee na lumipat na ng PBA.
Noong panahon ng pinatalsik na commissioner Noli Eala, inalok na rin si Mikee na mag-PBA na.


Pero dahil talagang hindi siya handa nang mga panahong iyon, minabuti niyang mag-stay muna sa PBL.


Kung sabagay nakabuti naman na nag-stay muna sa PBL si Mikee dahil na-focus ang kanyang atensiyon na magbuo ng national team na kakampanya sa Southeast Asian Games na siyang mag-isa ang magpi-finance.
Well attended ang ginawang blow-out ni Mikee kamakalawa ng gabi para sa national team na nanalo ng gold medal sa Sea Games at sa Harbour Centre na nakuha ang rare 4-peat sa PBL.


Bukod sa media, naroon din ang mga bankers at ilang kilalang pangalan sa business. Pati nga ang pre­sidente ng stock exchange ay dumaan din para batiin si Mikee.

 

 


Microsoft Internet Explorer 7