JANUARY 25, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Trabahong ‘mabaho, delikado at mahirap’
USAPANG OFW ni: Chingbee


Na-lost tayo sa balita na isang business daily na ipi­nahayag daw ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) chief Rosalinda Baldoz na maaa­ring maging pabor sa overseas Filipino workers (OFWs) ang economic slowdown na nangyayari ngayon sa Amerika.


Sa mahigit kalahating dekada ng Usapan sa TONITE, lagi tayong bukas sa paliwanag ng mga opisyal natin tulad ni Administrator Baldoz bilang public service at pag­lilinaw sa mga isyu.


Nais nating bigyan ng benefit of the doubt na baka mali lang ang pagkaka-pickup sa sinabi ni Admin Baldoz o kaya’y baka na-spin ng mali ang kanyang paha­yag. Kung accurate naman ang balita ay pakipaliwanag naman po dahil malabo talaga.
Ayon sa attributed news item kay Admin Baldoz, wala raw epekto sa deployment ng OFWs sa US ang paghina ng ekonomiya ng naturang bansa dahil ang karamihan daw ng mga patrabaho sa US at sa marami pang bansa ay iyong “too dirty, dangerous and difficult” para sa mga foreign nationals.


Niche market


Ang ibig sabihin ay may niche market ang mga OFW at ito iyong mga mababaho, masyadong delikado at mas­yadong mahirap na trabaho para sa mga foreigner.
In short, menial jobs tulad ng paglilinis siguro ng comfort room sa mga mall, pagpapaligo at pagpapalit ng mga diaper ng mga imbalidong matatanda at katulad na mga trabaho.


Parang nakakababa ng respeto sa sarili natin bilang mga Pilipino ano po? Parang ‘yung umiiral na caste system noon sa India, kung saan ang mga pariah ay limitado sa trabahong madudumi.


Conflict

Ngunit alam po ninyo tayong mga Pilipino. Hindi tayo maaarte at kahit ano pang trabaho iyan ay ating tatanggapin basta mabuhay lang ang ating pamilya.
Ang conflict sa pahayag na iyan ay ang sinasabi ng POEA at DOLE na nag-improve na raw ang quality ng deployment natin dahil highly skilled workers na raw ang karamihan sa ating deploy.


Katunayan, sa naturang news item ay ipinagmaga­ling ni Admin Baldoz na umano’y patuloy na nakiki­pag-usap ang US at maraming Middle East countries para makapag-recruit ng OFWs para sa kanilang skilled labor requirement.
Teka muna. Pang-highly skilled workers nga ho ba talaga iyang mga trabahong “mababaho, sobrang delikado at mahirap”? Nagtatanong lang naman po.


May epekto


Sa isyu ng umano’y walang epekto ang US economic downturn sa OFW deployment doon, hindi ho tayo sold sa argumento na iyan. Ang totoo’y libu-libong highly skilled Americans na rin ang nale-layoff tulad sa kanilang car manufacturing industry at sa Citigroup, at may epek­to po iyan sa sinasabing niche market para sa OFWs sa US.


Ang tao po kasi, kahit Amerikano pa iyan, ay papatos at papatos sa lahat ng mga trabaho kung nabibingit na sa pagkagutom. So, asahan po natin na iyong mga highly-skilled Americans na na-layoff ay handang bumaba kahit sa mga menial na patrabaho maka-survive lang.


In short, kakain at kakain ng job opportunities ng mga OFW sa US ang mga na-displace na American workers. Wala kasing trabahong “mabaho at mahirap” para sa nagugutom, Pinoy man o Kano.


Itanong sa Usapan
Tanong: +97339320704
Magkano po ba ang direct hire processing fee? Jenny
Usapan: Although may bagong rules na binabalangkas tungkol sa direct hiring, sa ngayon ang cost ng direct hi­ring is PhP6,117.00
Tanong: +639282355108


Lisensyado po ba ng POEA ang APIMCOR Agency?
Usapan: Base po sa POEA records, hindi ito kasama sa listahan ng mga ahensyang lisensiyado
Tanong: +966568287450
Usapan: Sa akin po’ng palagay, hindi makakatulong ang fixed exchange rate. Mas maganda po siguro ay i-adjust ang suweldo dahil
kapag nag-apply ang OFW ng trabaho ay kuwentado na kung magkano ang tatangapin para sa mga gastusin. Miel Alex, KSA
Tanong: Number withheld upon request
Nag-apply po ng passport ang aking asawa pero ang ginamit po niya ay single kahit married na kami. Puwede po ba ako’ng maghabol?
Usapan: Kung makakakuha ka ng kopya ng kanyang application, maaari ka’ng lumapit sa isang abogado at subukan magsampa ng kasong perjury.
Tanong: +639183753245
Magandang araw po! Nag-apply po ako bilang salesman papuntang Saudi. Natanggap naman po ako pero sumabit ang aking medical dahil daw po sa peklat sa aking lungs o fibrosis. Puwede po ba ako’ng mag-apply sa ibang bansa? James
Usapan: Basta maipapaliwanag sa iyong possible employer na ang findings ay isang scar na lamang o peklat ng dating sakit, maaari ka’ng mag-apply kahit saan bansa.


Tuloy ang serbisyo
Ipadala po ninyo via email sa usapang_ofw@yahoo.com ang inyong mga tanong, komentaryo at mga pagbati na inyong nais mailathala. Pwede rin kayong mag-text sa ating bagong cellphone number na 09292067318 o kaya’y tumawag sa numerong 551-5164.

 

 

Microsoft Internet Explorer 7