JANUARY 25, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Ipairal ang isinasaad ng batas
EDITORIAL


EDITORIALNakakabahala ang ibinunyag ni Civil Service Commissioner Karina Constantino-David na nasa 50% ng 3,500 appointments ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay ilegal na umuukupa sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.


Hindi simpleng problema ang kinakaharap na ito ng gobyerno lalo’t higit ni Pangulong Arroyo na na­ging kasangkapan kaya’t napuwesto ang sinasabing mga appointees.


Kung hindi makatutugon sa pangangailangan o sinasabi ng batas ay wala ng sapat na dahilan para manatili sila sa posisyon.


Para sa amin dahil sa husay, abilidad at tamang kuwalipikasyon ng ating mga kababayan, paniguradong maraming kuwalipikado na hindi mangangailangan ng ‘koneksyon’ kagaya ng ipinaiiral ng mga appointees ng Pangulo.
Bukod sa nakakaalarma ang usaping ito dahil nakakababa ng moral ng mga career officers, malaking kabawasan din sa pondo ng bayan ang ibinabayad sa serbisyo ng mga ito gayung hindi naman na pala sila tumutugon sa pangangailangan ng batas.


Oo nga’t may kapangyarihan ang Pangulo na magtalaga sa career position kahit walang career executive service eligibility pero maaari lamang itong umiral sa loob ng isang taon at lagpas na sa nasabing panahon ang 3,500 appointees ng Pangulo.


Ngayong nabuksan ang isyu, dapat ay tutukan ito ng CSC at suportahan ng mga mambabatas. Ipairal kung anuman ang sinasabi ng batas at hindi dahil sa koneksyong taglay ng mga ito.

 

 

Microsoft Internet Explorer 7