JANUARY 25, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
GMA appointees ipinababasura
ni: Boyet Jadulco
 

Iginiit ni Senador Aqui­lino Pimentel na walang puwang sa pananatili sa tungkulin ang may 1,750 tuta ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na itinalaga sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sanhi ng kawalan ng civil service eligibility.
Ito ang pahayag ni Pimentel matapos ibulgar ni Civil Service Commissioner Karina Constantino-David na mahigit 50% sa 3,500 appointments ni Arroyo ang illegal na umuukupa sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.


Ayon kay Pimentel, dapat nang bawiin kundi man ibasura ang naturang appointment kung hindi sila makatutugon sa panga­ngailangan ng batas at palitan ng kuwalipikadong opisyal.


“Dapat mapilit si Pa­ngulong Arroyo na bawiin o ibasura ang kanilang appointment bilang pagtugon sa batas,” giit ni Pimentel.


“Walang pagdududa na matibay at may basehan ang pagbubulgar ni Commissioner David,” paliwanag ni Pimentel.


Samantala, hindi naman nagulat si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman sa pagdami ng retired military at police officials sa gabinete ni Arroyo dahil tumatanaw umano ng utang na loob ang Pangulo.


Ang masaklap umano, halos lahat ng mga appointees ni Arroyo ay walang kakayahang gampanan ang kanilang tungkulin kaya nagkaloku-loko ang serbisyo-publiko.


Dahil dito, nais ng igapos ng Kongreso ang kamay ni Arroyo at mga susunod pang Pangulo ng bansa, para kalimutan na ang pagtanaw ng utang na loob upang maging maayos ang pagsisilbi ng mga ito sa taumbayan.


Sa ilalim ng panukala ni Aurora Rep. Edgardo “Sonny” Angara, nais nito na magtatag ng Career Executive Service para mailayo sa pulitika ang mga civil service. ()

 

Microsoft Internet Explorer 7