Gumawa raw ng taktika ang isang miyembro ng Upper House upang hindi mamarkahan na absent o late sa sesyon ng Senado.
Sa impormasyong nakuha ng TONITE, ang senador na ito ay gumagamit ng pencil case upang magsilbing tanda na siya’y nasa loob ng session hall kahit na hindi pa ito nakikita ng taong nagbibilang ng senador na present sa sesyon.
Ang pencil case ay inilalagay umano sa mesa ng senador para ipaalam sa secretariat na hindi absent at hindi late ang senador kahit na wala pa ito sa session hall.
Hindi naman daw inaabuso ng senador ang taktikang ito dahil pumapasok naman siya sa sesyon kapag ipinalagay niya sa kanyang staff ang pencil case sa kanyang mesa.
Kahit na inilalagay sa kanyang mesa ang pencil case, bibihira naman daw niya itong gamitin dahil sa sign pen naman ang ginagamit nito at madalas pang nagsu-surf sa internet.
Ang senador na ito ay isa lamang sa iilang senador na nagdadala ng laptop computer sa session hall at nakakaalam sa paggamit nito.
Ang estilong ito ay ginaya rin umano ng ibang senador na naglalagay rin ng iba’t ibang bagay sa kanilang mesa upang hindi mailista na absent o late sa sesyon.
Nagmistula tuloy na promotor ang beteranong senador dahil sa paggaya ng ibang senador sa kanyang taktika, bagama’t ibang bagay lamang ang inilalagay sa kanilang mesa.
Hindi naman sumama sa uso ang dalawang tahimik na senador dahil sa mas type pa rin nilang pumasok bago mag-roll call dahil sa wala naman silang ibang ginagawa kundi ang magbutas ng upuan.
Clue: Ang senador na ito ay minsan na naghangad ng mataas na posisyon subalit minalas na matalo sa eleksyon. Bagama’t ito’y lalake, kakaiba naman ang palayaw nito. ()
|