Narito ang reaksyon ng GMA Network sa mga paratang ni Donard Nojas:
“GMA Network strongly denies the accusations made by Mr. Donard Duane L. Nojas that RGMA Bacolod hired ABS-CBN’s informant Toto Aliguin or anyone to look for panel homes in Bacolod City and that it conducted special operations to increase its ratings.
“These accusations come from a disgruntled former employee of RGMA. Nojas, a former Program Director of RGMA-AM Bacolod, was terminated on March 30, 2007 for violation of company policies, serious misconduct, gross neglect of duty, and loss of confidence.
“Nojas was found guilty of sexually harassing a female station reporter and anchoring a program in a competing radio station, among other offenses against the company.”
***
Sa Zaido ng GMA 7, magbibitiw sina Cervano (Aljur Abrenica) at Amy (Kris Bernal) bilang Pulis Pangkalawakan at bilang miyembro ng Galactic Force.
Samantala, sa muling pagkabuhay ng mga halimaw na Kuuma, sisimulan na nila ang muling pagsakop sa mundo. At si Alexis (Marky Cielo), bilang bagong kasapi ng mga Kuuma ay binigyan ng mas malakas na kapangyarihan. Pamumunuan niya ang pagsalakay…
***
Hitik na hitik pa rin po sa kabulastugan at katatawanan ang Bubble Gang ngayong gabi sa GMA 7.
Nariyan ang GAGS kaugnay sa battered spouses.
Sa HEAD AND SHONGGAL ay may anim na bersyon ang patalastas ng Head and Shoulders.
Sa SABAYANG BASA, pinagalitan ng isang guro (Bitoy) ang kanyang mga estudyante na nahihirapang bumasa.
Sa SOBRANG LASING, iniwan ng isang lalaki (Ogie) ang kanyang mga kaibigan sa kalagitnaan ng kanilang pag-iinuman.
Si KAMANDOG (Bitoy) ay kalahating tao at kalahating aso. Tinulungan niya ang isang babae (Diana) na hanapin ang namboboso rito.
Sa LABANDERA IN THE PALACE, si Zaldo ay inatasan ng isang pulis na maging ‘look out’ sa palasyo. Nagpanggap si Zaldo bilang babaeng si Zaida, at nagkagusto sa kanya ang hari (Wendell).
Sa SUPER BAGONG USO, bumili ang isang lalaki (Wendell) ng pinakabagong invisible gadget na kung tawagin ay ESP.
Sa ACTION STAR, ininterbyu ng talkshow host na si Ogie ang isang action star (Bitoy) na laging itinatanggi ang tsismis na bading siya.
***
Mamayang 11:00 PM na po ang fashion extravaganza na Private Parts Wearables: All Out 3 sa Metro Bar, West Ave., QC.
Marami ritong baguhang modelo, at ayon sa fashion director na si Jerome Pelgone, wala na ritong babaeng modelo.
“Ang konsepto ng palabas ay naka-focus sa sexy and daring cotumes,” sabi pa ni Jerome.
Ang tiket ay P500 at P1000.
***
Gumawa ang Emergency ng dokumentaryo hinggil sa mga batang matador na sa murang edad ay nakikipagsabayan sa mga matatandang kumakatay ng baboy at iba pang karneng ibinebenta sa palengke.
Dahil sa hirap ng trabaho sa katayan, marami sa mga batang ito ang nagkakasakit.
Naapektuhan ang kanilang pag-uugali dahil babad sila sa kapaligirang balot sa karahasan.
Tinutukan din ng Emergency ang teenage pregnancy. Si Rubilyn, naging ina sa edad na 15.
Si Karen, 13-anyos nang nagluwal ng sanggol. Matapos ang dalawang taon, nakaratay pa rin siya sa ospital.
Pabata nang pabata ang mga nabubuntis. Paano ba maiiwasan ang maagang pagbubuntis at peligro sa maagang panganganak?
Abangan ang mga natatanging istoryang ito ngayong Biyernes nang gabi sa Emergency ng GMA-7.
***
Ikaapat na weekly elimination ng modeling contest na Glamour Boys Season 3 mamayang gabi sa Lips Bar, 152 Aurora Blvd., San Juan, MM.
Ayon sa casting director na si Jun Noya, limang ‘fresh faces’ ang magkakalaban dito.
***
May initial auditions ang 2008 WCOPA Team Philippines sa Pebrero 9, Sabado, 10:00 AM sa STAGES, Unit 606 Greenbelt Mansion, Perea St. Legazpi Village, Makati City.
Pwedeng mag-try out ang singers (solo or group), instrumentalists (solo or group), dancers (solo or group), actors at models.
Para sa mga detalye, makipag-alam kay Judith sa cell# 0917-801-1565.
***
Itatanghal muli ng Atlantis Productions ang musical na Avenue Q sa Hunyo 13-22, 2008 sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City.
Pang-adults ang palabas na ito.
Sa Nobyembre, itatanghal naman ng Atlantis ang musical na Hairspray sa Star Theatre ng CCP Complex.
Para sa showbuying at fundraising information, tawagan ang Atlantis sa tel.# 892-7078, 840-1187.