JANUARY 25, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Ogie, gustong lumigaya si Michelle
ni: Jun Lalin
 

Noong Miyerku­les ay nanood ako ng P.S. I Love You sa Power Plant Mall, Rockwell. Pagpasok ko ng sinehan ay nakita ko ang mag-sweetheart na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano.
Binati kaagad ako ng TV host/singer, pero deadma lang sa akin ang boyfriend niyang direktor.


Ilang beses na akong naipakilala kay Paul, pero tila hindi siya interesadong makipagtsikahan sa akin, kaya dedma na lang ako.
Pagkabati sa akin ni Toni ay itinuro niya sa akin si Karen Davila.
Kasama ng newscas­ter ng TV Patrol World ang ilang mga taga-News and Current Affairs ng ABS-CBN 2.


Nasa harapan ng upuan ko ang kinauupuan ng grupo ni Karen, kaya alam kong nag-enjoy siya sa panonood ng pelikula ni Hilary Swank.
Anyway, nakita ko rin sa cinema lobby ng Power Plant Mall si Jaya kasama ang mister niya.


Pinuri-puri ko kay Jaya ang magandang co­ver ng bagong album niya. Very fresh ang da­ting ng singer/TV host sa litrato niya roon.
Nakita ko rin ‘yung architect na si Eric, na bali­tang nanliligaw nga­yon kay Rufa Mae Quinto Teka! Si Eric kaya ang architect ng bahay na ipina­re-renovate ngayon ni P-chi (Rufa Mae)?


Nakita ko rin sa lugar na ‘yon si Say Alonzo, na inusisa ko kung sa GMA 7 na siya nga­yon, pero hindi pa naman daw sure na sure dahil puro guesting lang muna siya sa Kapuso network.
Ang Star Magic ng Dos pa rin ang nagma-manage ng career ni Say.


***
Parehong nasa ABS-CBN 2 compound ang magkapatid na Claudine at Marjorie Barretto noong Lunes.
Si Claudine ay may taping ng Maligno at guest naman sa Sharon si Marjorie. Habang naghihintay si Claudine ng kanyang take, pinuntahan niya ang kanyang ate sa studio ng Sharon.


Dahil on-going ang taping, tinawag ni Sharon Cuneta si Claudine at big­la siyang napa­salang sa tsikahan.
After ng taping ng Sharon, tsumika-tsika pa si Claudine sa megastar at nang kukunan na ang next episode ng Sharon ay nagpaalam na ang misis ni Raymart San­tiago.


Dinig na dinig ng source ko nang tawagan ni Raymart ang misis at kumustahin ang taping nito.
Lampas hatinggabi na ay hindi pa tapos si Claudine sa taping ng Maligno at dahil pilot episode ang kanilang kinukunan, wala raw munang cut-off time sa taping ang misis ni Raymart.


***
Inamin ni Ogie Alcasid sa presscon ng My Funny Valentine (Pebrero 8, Crowne Plaza Hotel) na napapagalitan siya ng kanyang lawyer tuwing masyado siyang nagiging open tungkol sa kanilang dalawa ng girlfriend niyang si Regine Velasquez.
Hindi pa raw kasi annulled ang kasal nila ni Michelle van Eimeren dito sa ating bansa.


“Pero divorced na kami sa Australia,” pag-amin ng singer/comedian.
Sa tanong kung nagli-live-in na ba sila ni Regine, sinabi niyang may sari­ling bahay ang kanyang girlfriend at siya naman ay nakikitira ngayon sa bahay ng kanyang mga magulang sa may Magallanes, Makati.
“Iyung dating bahay kasi na tinitirhan ko, inuupahan ko lang ‘yon noon at ginive-up ko na,” paliwanag niya.


Sa tanong kung totoo bang may iba nang boyfriend si Michelle, sinabi ni Ogie na hangad niya ang kaligayahan ng ina ng dalawa niyang anak.
“Gusto ko siyempre na maging masaya si Michelle, pero I cannot say anything regarding her lovelife. Siya na lang ang tanungin ninyo.


“Basta okey naman ang set-up namin, lalo na sa mga bata,” paliwanag niya.
‘Yung bahay raw nila sa Australia ay nasa pa­ngalan ni Michelle at ng mga bata at naka-loan lang daw ‘yon.


Sa My Funny Valen­tine show na prod­yus ni Annabelle Rama ay nangako si Ogie na mas marami ang kakantahin niya kumpara sa naunang dalawang show niya under Royale ERA Entertainment.


Sinabihan din ni Bisaya si Ogie na kumanta ng medley at maghanda ng extra songs dahil tiyak na maraming sisigaw ng “More, more”.
Natutuwa si Ogie kapag sinasabi ni Bisaya na favorite siya nito.
Kasama ni Ogie sa My Funny Valentine show sina Ai Ai delas Alas, Dia­na Zubiri at Verni Varga.


Ang sponsors ng show na ito ay ang Bench, Cala­yan Surgi­centre (Drs. Manny Pie), Empera­dor Brandy, Kisses & Co., Met Tathione, Philosophy Spa by Mikhaela at ang GMA 7.
For ticket inquiries, call 727-25-34 or 36.


***
Aba, suwerte si Bangs Garcia dahil pinag-uusapan siya ngayon dahil sa pailalim na pagtataray sa kanya ni Roxanne Guinoo.
Underdog nga ang da­ting ni Bangs nang tawagin siya ni Roxanne ng ‘that girl’ sa The Buzz.


Pinagseselosan ba ni Roxanne si Bangs dahil may matindi itong kissing scene kay Jake Cuenca sa Palos?
Nate-threaten ba si Roxanne kay Bangs? Any­way, dapat magpasa­lamat si Bangs kay Ro­xanne dahil kundi ito nagtaray sa kanya ay hindi siya gaanong mapapansin.

 

Microsoft Internet Explorer 7