Hindi na kailangan ng isang aktres na pumunta sa lugar na malayo para makita niya ang babaeng karelasyon ng kanyang asawa.
Kung paiiralin ng aktres ang pagiging resourceful, malalaman niya na malapit lang sa lugar na kanyang madalas puntahan ang favorite hangout ng babae.
Reportedly, madalas na nakikitang kasama ng asawa ng aktres ang babae sa paboritong tambayan nito.
“Hear no evil, speak no evil at see no evil” ang stand ng mga witness dahil mabait sa kanila ang asawa ng aktres.
Distant relative ng babae ang nagkuwento sa amin na totoo at hindi gawa-gawa ang tsika na may ibang karelasyon ang mister ng aktres.
***
Masuwerte ang isang aspiring actress dahil ang sikat na actor-boyfriend niya ang naghahanap ng tao na makatutulong sa kanyang career.
Tinatawagan ng aktor ang mga kakilala niya sa show business para matu lungan at magkaroon ng ingay ang pangalan ng kanyang girlfriend.
Ang aspiring actress ang breadwinner ng pamilya kaya matindi ang pagnanais ng aktor na maihanap siya ng manager.
***
Ipinagmamalaki ng ABS-CBN na binago ng Patayin Sa Sindak si Barbara ang primetime viewing.
Hit na hit daw ang horror series sa Pilipinas at sa buong mundo.
Nakalagay sa publicity guide na ipinadala sa amin ni Katherine Solis ng ABS-CBN Corporate PR na, “Sa nakaraang tatlong buwan, nakatutok sa telebisyon at hindi makaalis mula sa kinauupuan ang mga Pilipino dahil sa panonood ng isa sa pinakanakakatakot at pinakanakakasindak na horror-serye…”
Natuwa at nasorpresa raw ang mga tao sa likod ng Patayin sa Sindak si Barbara dahil hindi nila inaasahan na magiging mainit ang pagtanggap ng publiko sa horror-series nina Kris Aquino, Susan Roces at Jodi Sta. Maria.
Gusto naming iwasto ang publicity guide na ipinadala ni Katherine dahil tatlong linggo pa lang ang nakalilipas at hindi tatlong buwan mula nang mag-umpisa sa TV ang Patayin sa Sindak si Barbara.
Sa susunod, kailangang i-review ng Corporate PR ng ABS-CBN ang mga publicity guide bago ito ipadala sa mga entertainment columnist para accurate ang kanilang mga impormasyon.
***
Kahapon lang namin nabasa ang reply-affidavit ni Piolo Pascual tungkol sa libel case na isinampa niya laban kay Lolit Solis.
Sa reply-affidavit ni Piolo, detalyadong nakalagay ang oras at lugar na pinuntahan niya noong October 12, 2007, ang araw na diumano’y nakita siya ni Lolit Solis sa Sofitel:
“Around 3:15 PM -- I arrived at ABS-CBN and passed by the main lobby, facing Sgt. Esguerra St., to pick up Ms. Lao.
“I was with my driver, Rodelio Bagtas, who was driving my Hummer, and my personal assistant, Ms. Hatima Mancampo.
“At the same time, I saw Ms. Cristinelli ‘Cristy’ Fermin and Mr. Jobert Sucaldito at the lobby.
“I talked with them for a minute or two, before proceeding to Makati City.
“Attached herewith as Annex ‘D’ and made an integral part hereof, is the Sinumpaang Salaysay of Ms. Fermin, regarding the incident. Also see Annex A;
“Around 3:15 PM to before 4:00 PM -- We proceeded to the studio of Mr. Raymund Isaac in Makati City for the TIMEX pictorial and arrived there before 4:00 PM.
“Attached herewith as Annexes ‘E’ and ‘F’ and ‘G’ and made integral parts hereof, are the affidavits of Ms. Angel Locsin, Mr. Peps Silvestre and Ms. Katrina Mae L. Soliman, a fellow artist in ABS-CBN, a hairstylist who assisted us in the pictorial and a Marketing Officer of TIMEX brand for Newtrends International Corporation, respectively, to attest that I was in Mr. Isaac’s studio in Makati City, during the scheduled pictorial.”
***
Nang mabasa namin ang reply-affidavit ni Piolo, saka namin naalaala ang text message na ipinadala ni Gemma Pagsibingan sa Philippine Entertainment Portal (PEP) noong October 16, 2007, isang araw pagkatapos ng publication ng column ni Lolit sa Pilipino Star Ngayon.
Si Gemma ang product manager ng Timex at ito ang kanyang text message na natanggap ng PEP staff:
“Hmmm, how could that be possible? Piolo’s call time for the Timex shoot was 4:00 PM, but as usual, Piolo was early and came to the shoot at 3:30 PM at Raymund Isaac’s studio in Makati.
“There were 20-25 people, including another Timex endorser Angel Locsin, at that time. Ang nakita naming sweet ay ang photos nina Piolo-Angel together.”
Gemma added, “That’s the truth. Kawawa naman si Piolo. In fact, I was worried that he came early again kasi maghihintay siya. But ganoon talaga ‘yon. One shoot nga, nauna pa siya sa aming lahat. You can ask even the fotog, Raymund. Even if you ask each one in the shoot, they would say the same thing.”
***
Base sa text message ni Gemma na inilabas ng PEP, siguradung-sigurado siya na 3:30 PM nang dumating si Piolo sa TIMEX pictorial.
Sa reply affidavit ni Piolo, 3:15 PM nang magpunta siya sa ABS-CBN studio.
Inisip na lang namin na walang traffic noong October 12 dahil holiday (celebration of Eid’l Fitre, the Muslim feast for the end of Ramadan) kaya mabilis ang biyahe ni Piolo mula sa ABS-CBN papunta sa studio ni Raymund sa Makati, kung ang statement ni Gemma noong October 16, 2007 ang ating pagbabasehan.
***
Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com.