JANUARY 25, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Bianca, payag gamitin ni Jean
ni: Joe Barrameda
 

Hindi suplada ang mestisang si Bianca King. Matapang kasi ang pagkamestisa ni Bianca kaya nagpapakamalan siyang suplada.
Hindi pinapatulan ni Bianca si Jean Saburit na nagsabing bad influence siya sa anak nitong si Nicole Anderson.


BIANCA KINGAng mahalaga kay Bianca ay ang pagkakaibi­gan nila ni Nicole.
Bilang respeto sa na­katatanda ay hindi pi­napatulan ni Bianca ang mga patutsada ng ina ni Nicole, kahit pa naaapek­tuhan ang pamilya niya.
Ang pinagkakaabalahan ni Bianca ay ang trabaho niya sa sinenobelang My Only Love (napapanood tuwing ha­pon sa GMA 7 kasama sina Mark Herras, Rhia­n Ramos, Ke­vin Santos, Tess Bomb, Rita Avila at iba pa). Hin­di rin masabi ni Bianca kung ginagamit ang pangalan niya for publicity.
Okay lang sa kanya iyon as long na hindi libelous ang mga pinagsasabi tungkol sa kanya ng ina ni Nicole.


***
Mabuti naman at ayos na ang problema sa pagitan nina Carlene Aguilar at Dennis Trillo (isa sa mga bida sa Zaido, Pulis Pangkalawakan).
Aminado si Carlene na nagkausap na sila ni Dennis at tungkol sa anak ang kanilang pinag-usapan.


Balik-trabaho si Carlene sa pagiging celebrity bukod sa pagiging ina.
Wala nang galit at poot sa dibdib ang beauty queen. Mas pinaghahandaan niya ang kanyang future nila ng kanyang anak.


***
Matapos ang matagal na paghihintay ay nabig­yan din ng magandang break si Tomoyuki Tai, isang Japanese actor na matagal nang naninira­han sa Pilipinas.
Si Tomoyuki ay madalas namin makita sa GMA 7 lalo na sa SOP kung saan choreographer ang tumatayo niyang manager na si Geleen Eugenio.
Lumabas si Tomoyuki bilang LeAr, ang pinuno ng mga Kuuma sa Zaido.
Sari-saring sports ang kinahuhumalingan ni Tomoyuki bukod sa pagi­ging actor sa Japan.


Napamahal na sa kanya ang Pilipinas kaya rito na siya naninirahan.
Kung bakante ang oras niya ay madalas nasa La Union siya at iba pang mga dagat sa Pilipinas para mag-surfing. 


***
Wala palang sinabi ang Sinulog sa taunang prusisyon ng Sto. Niño sa Tondo, Manila.


Noong Enero 19 ay first time naming nasaksihan ang tradisyon na prusisyon ng Sto. Niño sa Tondo.


Sa sobrang haba nito ay inabot na yata ng 12:00 MN bago ito natapos.
Lagpas 50 barangay yata ang sumali na nagpamalas ng iba’t ibang sayaw habang lumalakad ang prusisyon.


Maraming beses na naming nasaksihan ang Sinulog sa Cebu pero mas maganda at hindi komer-­­s­yal ang prusisyon ng Sto. Niño sa Tondo.
Syanga pala, nakiki­bahagi ang Starstruck Avenger na si Kevin Santos sa prusisyon. Bale pa­nata na niya ito.

 

Microsoft Internet Explorer 7