JANUARY 25, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Lady dentist ginilitan sa leeg
Ni Bell Desolo
 

LIPA CITY --- Tulu­yan nang hindi matutuloy ang umano’y ilang ulit na na-postpone na kasal ng isang lady dentist nang mamatay ito makaraang pasukin sa kanyang klinika at saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek pasa­do ala-una kahapon ng hapon.


Maliban sa hiwa ng kutsilyo sa leeg, naniniwala ang imbestigador ng kaso na si SPO4 Marcial Saludo, na ang tama sa batok ang ikinamatay ng biktimang si Mary Joy Duroy y Marasigan, 29, taga-Sitio Maligaya, Bgy. Pinagtu­ngulan, San Jose, Batangas at may klinika sa Poblacion ng lugar na ito.


Base sa investigation report mula sa tanggapan ni Supt. George Dadulo, police chief, pasado ala-una ng hapon nang pumasok ang suspek na nagkunwa­ring pasyente at sinaksak ang biktima nang makitang nag-iisa ito saka tumakas tangay ang N-70 na cellphone ng dentista.


Ayon kay Dadulo, po­sible umanong pagnanakaw lamang ang pakay ng suspek ngunit natakot na nakilala ito ng biktima kaya pinatay.


Samantala, sinabi ni Aling Cora, ina ng biktima, na kagagaling umano ng anak sa simbahan bago maganap ang insidente at inasikaso na ang mga kakailanganin para sa kasal nito na bagama’t sa Dis­yembre 29, 2008 pa nakatakdang gawin ay ipina­lakad na ng nobyong engineer na nasa Dubai umano para matiyak na tuloy na ang kanilang planon­g ilang ulit nabitin. ()

 

Microsoft Internet Explorer 7