JANUARY 25, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
MEDIA ITINUTURING NA KAAWAY NI GLORIA
Nina Bernard Taguinod at Boyet Jadulco
 

Ito ang ipinahayag ng isang lady solon dahil kulang na lamang umano na ideklara ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Fourth Estate o sektor ng mga mamamahayag sa bansa na kalaban ng kanyang administrasyon
Ganito ang basa ni Gabriela party-list Rep. Liza Maza kaugnay ng patuloy na panggigipit ng administrasyon sa mga kagawad ng media kahit nagdeklara na ang mga ito na tapos na ang banta ng destabilisasyon.


Ginawa ni Maza ang naturang pahayag dahil sa alegasyon ng Armed For­ces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na isang babaing reporter sa katauhan ng fo­reign corres­pondent na si Dana Batnag na siyang tumulong umano kay Marine Capt. Nicanor Faeldon na makatakas.


Ang alegasyong ito ng PNP at AFP ay base lamang sa isang footage ng RPN 9 na nakitang magkausap sina Batnag at Faeldon sa gitna ng standoff sa Manila Peninsula Hotel noong nakaraang taon.


Para kay Maza bagama’t hindi pa alam umano ng PNP at AFP kung ano ang napag-usapan nina Batnag at Faeldon, agad nang nagbigay ang mga ito ng espekulasyon na ang lady reporter ang nagpatakas sa nasabing opisyal.
“Parang wala silang balak na tantanan ang media. Parang sa kanila ay kalaban na nila ang media at kulang na lang ideklara na kalaban ng estado,” paha­yag ni Maza. Subalit hindi aniya dapat matakot ang mga mamamahayag dahil nasa likod nila ang mga tao.


Samantala, iginiit kagabi ni Senate majority lea­der Francis Pangilinan sa PNP na manahimik na lamang kung wala naman silang ebidensiya sa lady reporter na tumulong umano para makatakas si Faeldon.


Ayon kay Pangilinan, kung may sapat na ebidensiya ang PNP ay isinawalat na sana nila ang pangalan ng reporter, bagkus ay idi­nadaan na lamang nila sa pananakot sa media ang isyung ito.


“Bakit ayaw ilabas ng PNP ang pangalan ng sinasabi nilang taga-media na nagpatakas daw kay Capt. Faeldon? Dahil ba wala silang sapat na ebidensiya? Kung wala silang sapat na ebidensiya, manahimik na lang sila,” ani Pangilinan.
Minaliit din ni Pangi­linan ang video footage ng RPN-9 dahil hindi umano malinaw dito na tinulu­ngan nga ni Batnag si Faeldon para tumakas. “Pang-iintriga ang ginagawa nila at hindi pang-iimbestiga upang alamin at isiwalat ang katotohanan. At kung may ebidensiya sila isampa ang reklamo sa hukuman,” diin ni Pangilinan.

 

Microsoft Internet Explorer 7