Bumuhos ang suporta sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa naging aksyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China nang dalhin ang isyu sa Spratly Islands sa United Nations (UN).
Oplan Sita --- Naglatag ng checkpoint ang mga kagawad ng Malabon Police katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa McArthur Highway, Barangay Potrero, Malabon alinsunod sa ipinatutupad na Comelec gun ban at dahil sa naglipanang riding-in-tandem. (Art Son)
WAGI sa takilya ng North America nitong nakaraang Martin Luther King Jr. holiday weekend (Enero 18-21) ang bagong bukas na horror thriller ni Jessica Chastain na Mama ($32.1M).
MASAYANG ikinuwento sa amin ni Yasmien Kurdi na nagkaayos na sila ng kanyang ina, pagkatapos nitong magtampo sa kanya dahil sa pagpapakasal at pagkakaroon ng anak.
Ubos-lakas na hinambalos ni Wenneth Eulalio (15) ng FEU ang kill, pinalihis ang bola palayo sa humarang sa net na si Gretchen Ho (3) ng Ateneo sa UAAP volley match kahapon. Sinuwag ng Lady Tams ang Lady Eagles, 25-20, 25-17, 25-16. (Mike Taboy)
Kumbaga sa kape, mas lalo pang tumapang ang San Mig Coffee pagkatapos ng trade na nagbigay sa Mixers ng karagdagang piyesa at ngayon ay handang-handa na sa pagdepensa ng PBA Commissioner's Cup.