January 23, 2009 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  CEU tossers humirit
 
 
Naligtasan ng Centro Escolar University ang top-ranked Philippine Women’s University sa apat na sets, 25-18, 25-20, 21-25, 25-22, at makapuwersa ng playoff para sa finals slot ng 5th Men’s National Collegiate Athletic Association nitong weekend sa San Beda Alabang gym.
Winalis ng PWU ang five-game elimination kasama ang 10-25, 26-24, 26-28, 25-22, 16-14 pahirapang panalo laban sa CEU noong Dec. 7. Tinapos ng CEU ang elims sa fourth place hawak ang 2-5 slate.
Muling maghaharap ang PWU at CEU bukas sa RTU gym sa Mandaluyong.
Nakuha ng No. 2 San Beda College Alabang ang unang finals seat matapos ipagpag ang No. 3 University of Asia and the Pacific 26-24, 23-25, 25-16, 26-24.
Sa basketball matches sa LCCM gym, dinurog ng La Consolacion College Manila ang Chiang Kai Shek College 130-67, para kumpletuhin ang six-game sweep ng elimination phase at hablutin ang top ranking papasok ng semis ngayong weekend.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES