Mga laro ngayon: (Cuneta Astrodome)
5:00 p.m.-Sta. Lucia Realty vs Alaska Milk
7:30 p.m.-San Miguel Beer vs Talk ‘N Text
Pormal nang huhulmahin ng Alaska Milk at Talk ‘N Text ang rambulan sa Finals ng 2008-09 KFC PBA Philippine Cup sa pag-asang makumpleto ang dominasyon sa mga oposisyon sa Final Four ngayon.
Parehas kipkip ang komportableng 3-1 bentahe, unang lalagok ng pwesto sa isa pang race-to-for win series ang AM kontra defending champion Sta. Lucia Realty sa ala-singko ng hapon, habang susunod ang TNT sa ala-7:30 ng gabi katapat ang pinakamatitulado sa pro league na San Miguel Beer sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Sa bahagyang pagpapahinga sa kanyang mga mga malalaki, sumugal si Alaska coach Tim Cone sa paggamit nang maliit na rotation, na nagklik naman. Umabante ang Aces ng 26 na puntos sa first-half pa lamang at nilagare ang mespiritung rally ng SLR para malunok ang 88-83 win kamakalawa ng gabi at marating ang senaryong ito.
Kahit abot-galamay na ang unang Finals berth matapos iligpit ang ‘Talk ..’ sa 2007 Fiesta title playoffs, ‘di pa rin naninigurado si Cone dahil na rin pihadong ‘di rin basta titiklop na lang ang Sta. Lucia.
“Sta. Lucia is a team with so much character. They just won’t quit. No matter how far you get ahead, they can come back and get at you. You really can’t relax,” anang puting Kano, na nag-aalala rin sa bagay na tulad nito.
Noong 2006 Philippine Cup semifinals duel sa Purefoods Tender Juicy Hotdogs, dumistansya rin ang Aces nang ganitong kalayo. Subalit tumirik at nasingitan pa ng Giants, 4-3.
Pumutok na parang lobo naman ang second quarter 18-point advantage ng TNT pero buti na lamang hanggang sa final canto ay may load pa rin sina Jared Dillinger at Mark Cardona at ang bayani sa Game Three na si Jimmy Alapag upang makaeskapo pa rin sa San Miguel, 110-106, at makasungaw sa first Finals stint pagkaraang tumilapon sa Barangay Ginebra San Miguel sa 2004-05 RP Cup.
At kagaya ng counterpart niyang si Cone, ayaw ring pasigurado ng mentor ng Tropang Texters na tapos na ang boksing sa araw na ito. “I don’t expect Friday to be the end (of the series). Against a team as good as San Miguel, all we want is a crack in the end. All we want is to stay with them.”
|