January 23, 2009 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
SPORTS NEWS


  Batang Pier at Pure Water nagsipagwagi

(Vladi Eduarte)

 

Mga laro bukas (Ynares Sports Center)
2:00 p.m. – Bacchus vs. Magnolia
4:00 p.m. – Hapee vs. Harbour

Parehong sumandal ang Harbour Centre at Magnolia Purewater sa kanilang karanasan at height advantage upang ipagwagwagan ang mga karibal sa pagsisimula ng kani-kanilang magkahiwalay na semifinals series sa 2009 PBL PG-Flex Linoleum Cup sa Ynares Sports Center sa Pasig kahapon.
Sa likod nina Jerwin Gaco, Reed Juntilla at nagbabalik na si Al Vergara ay hiniya ng Batang Pier, nagtatangka sa kanilang pang-anim na dikit na kampeonato, ang Hapee Toothpaste 85-86.
Wala ring ipinakitang awa ang Wizards sa pagdurog sa Bacchus Energy 80-66, sa kanilang hiwalay na best-of-five series.
Tulad ng inaasahan, bumalik ang bangis ng Big 3 ng Magnolia – sina Neil Raneses, Dylan Ababou at Al Magpayo – kaya natuldukan ang kanilang three-game losing skid.
Pinangunahan ng 19 points ni Raneses ang Wizards, habang may pinagsamang 32 points sina Magpayo at Ababou sa pagdomina sa rookie-laden Energy Warriors.
Muntik mabaon sa limot ang 6-foot-4 na si Gaco dahil sa malamyang performance sa second round ng elims, pero kahapon ay nagpasabog ito ng 15 points bukod sa pang-angkla sa solidong depensa ng Batang Pier upang limitahan sa kakatiting na 12 puntos ang Complete Protectors sa buong third quarter.
Kasabay sa pagposas sa top guns ng Hapee na sina Jervy Cruz at Chris Tiu, nagsalansan ng 26 points ang Harbour sa payoff period para igiit ang lalim ng kanilang armada.
May game-high 19 points si Juntilla, at nagpakita ng all-around game ang nagbabalik mula Singapore na si Vergara sa tinipong seven points, eight assists, two rebounds at isang steal.
Bukod sa naging tinik sa lalamunan ni Tiu, ang 5-foot-8 na si Vergara rin ang nagpasimuno sa 16 fastbreak points ng Harbour kumpara sa iisa ng Hapee.
Ang 6-foot-4 na si Cruz ay may 14 points, pero hindi naging kasing-epektibo kumpara sa ipinakita sa knockout match nila ng Pharex noong Martes.
Si Tiu ay nalimitahan sa four points.

 


Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES