Hindi pa rin naman tuluyang isinasara ni Manny Pacquiao ang pintuan kay Ricky Hatton. Ito ay kung ibibigay ang kanyang hinihingi.
“I’m still open, hangga’t wala pa akong pinipirmahang kontrata sa ibang promoter,” litanya ni Pacquiao.
Kasabay nito, kinastigo ni Pacquiao si Golden Boy CEO Richard Schaefer, dahil sa aniya’y hindi magagandang binitiwang salita patungkol sa kanya.
Sa opisyal na pahayag na ipinadala ng kampo ni Pacquiao kagabi, sinabi ng Pambansang Kamao, na hindi siya ‘childish’ na gaya ng tinuran ni Schaefer
“I find Schaefer’s actions and words too aristocratic. He’s the one who is acting childish. He is not professional and civil enough to give merits to the negotiating table,” lahad ni Pacquiao sa official press release na ipinadala kagabi.
Ayon pa kay Pacquiao, “nangba-bluff lang ang kampo ni Schaefer, sabi nila may mga offers nang laban kay Hatton sa British Isles, eh bakit , sinasabi rin nila na lalabanan nila si (Oscar) De La Hoya, si Mayweather? I say, Schaefer is a bad businessman.” |