January 23, 2009 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
 
“NASAN NAMAN ANG PRIDE KO?”
Matigas talaga si Filipino ring icon Manny Pacquiao. Kagabi ay walang bahid ng panghihinayang na inihayag niyang hindi na umano matutuloy ang laban nila ni British champion Ricky Hatton sa Mayo 2. Dahil hindi aniya maaaring ang kampo ni Hatton ang masusunod sa negosasyon. “Hindi naman puwedeng sila (Hatton) ang magdikta at ako ang susunod sa kanila, nasan naman ang pride ko?”
 
Pacquiao open pa rin kay Hatton
Hindi pa rin naman tuluyang isinasara ni Manny Pacquiao ang pintuan kay Ricky Hatton. Ito ay kung ibibigay ang kanyang hinihingi.
 
Batang Pier at Pure Water nagsipagwagi
Parehong sumandal ang Harbour Centre at Magnolia Purewater sa kanilang karanasan at height advantage upang ipagwagwagan ang mga karibal sa pagsisimula ng kani-kanilang magkahiwalay na semifinals series sa 2009 PBL PG-Flex Linoleum Cup sa Ynares Sports Center sa Pasig kahapon.
 
TNT, Alaska tatapusin ang giyera
Pormal nang huhulmahin ng Alaska Milk at Talk ‘N Text ang rambulan sa Finals ng 2008-09 KFC PBA Philippine Cup sa pag-asang makumpleto ang dominasyon sa mga oposisyon sa Final Four ngayon.
 
CEU tossers humirit
Naligtasan ng Centro Escolar University ang top-ranked Philippine Women’s University sa apat na sets, 25-18, 25-20, 21-25, 25-22, at makapuwersa ng playoff para sa finals slot ng 5th Men’s National Collegiate Athletic Association nitong weekend sa San Beda Alabang gym.
 
Muay Thai sa Pinas
Kung may Manny Pacquiao tayo sa boksing at Willy Wang sa wushu, meron din tayong Dan Inosentes sa arnis at Monsour Del Rosario pati Toni Rivero sa taekwondo. Sa mundo ng full contact sports at martial arts, maituturing na may alas ang mga Pinoy dahil sa natural na angking tapang at walang takot na masaktan.
 
Ano’ng kasunod?
Bago ang lahat, hinihiling ko po sa aking mga kaibigan na isama sa kanilang mga panalangin ang mabilis na paggaling ng aming ama, na kasalukuyang nakaratay sa banig ng karamdaman. Salamat.
 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES