Dear Misyon Aksyon,
Nabasa ko po ang inyong kolum tungkol sa Custom na “Proyekto sa Custom walang bidding?” May karagdagan po ako na dapat ipaabot sa kainuukulan dahilan sa ang mga empleyado po ay kanya-kanyang raket.
Ang balita po namin ay kasosyo umano siya sa mga kontrata ng nasabing ahensya at kung gawin ito ni Mr. Overweight “O FB” na class B contractor ay araw ng Sabado at Linggo dahilan sa noong una nilang ginawang weekdays ay napapansin sila lalo na’t hindi ito dumaan sa Bidding Committee Awards.
Hindi po ba dapat ang proseso kapag ang isang ahensya ng gobyerno ay may ipinagagawang proyekto mayroon silang Bidding Awards Chairman (BAC) na pinangasiwaan ng isa sa pinakamataas na opisyal sa kanilang dibisyon at ilalathala sa dalawang pahayagan ng dalawang beses kung saan ay nakasaad ang halaga at dadaan sa pre-qualification at inter agency committee bago ito ibigay sa nanalo at kuwalipikadong kontratista.
Ang isa pang nakakatawag pansin ngayon lamang Nov. 8, 2008 lumabas ang kanyang authority to transact pero tuluy-tuloy ang kanyang pagpapagawa sa nasabing project.
Sana po mabigyan ng pansin ito at hindi bulag ang nasabing ahensya.
Custom Concern Employee
Paging Custom Commissioner Napoleon Morales sir, paki- imbestigahan po at pakibusisi ang CAS Division, mukhang hindi dumaan sa tamang proseso ang ipinagagawang mga project na umano’y may basbas ng kanilang hepe kaya ‘di na dumaaan sa dapat na sistema. At kay CAS Division Head Sir Buenaventura Samson, bukas ang aking kolum sa inyong panig at kapaliwanagan. |