January 23, 2009 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Isipin ang magagawa pa para sa OFWs
Chigbee


Record-high ang 1,376,823 bilang ng overseas Filipino workers (OFWs) na na-deploy noong nakaraang taon, pagmamalaki ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Banner year ang 2008 sa deployment kumpara sa 1,077,623 deployed noong 2007.
Ang bilang ng na-deploy noong nakaraang taon ay kabilang na ang new hires at re-hires. Ang ma­laking bahagi nito ay land-based OFWs.
Kung ipinangangalandakan ng POEA ang OFW fi­gures para sa 2008, siguradong ipagbabanduhan naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang bagong record na ha­laga ng remittances na ipinadala ng mga OFW last year.
Walang masama riyan at good news iyan sa harap ng kinatatakutang global economic slowdown at ang patuloy na pagbabawas ng mga kumpanya sa ibang bansa ng mga manggagawa.
Achievements
Ngunit ika nga’y hindi dapat namnamin sa sob­rang tagal ng PEOA at Bangko Sentral ang itinutu­ring nilang achievements. Mas lalo pa nilang dapat pag-igihan ang kanilang OFW services para mas lalo pang gumanda ang deployment prospects ng ating mga kababayan.
Sa panig ng POEA, dapat sipatin ng liderato ang work flow sa pagpoproseso ng mga work documents ng mga aplikante upang mapabilis ito.
Lahat pa ng natitirang source ng red tape ay dapat tanggalin. Iyong mga empleyado ng POEA na may kaduda-dudang gawain ay dapat agad sibakin dahil ang mga sisteng nagreresulta sa pamimitsa sa mga aplikante ang cause of delay sa processing.
Remittance fees
Dapat namang ibaba pa ng BSP ang remittance fees na sinisingil ng mga bangko at remittance centers dahil hirap na rin ang mga OFW family na pagkasyahin ang perang ipinapadala sa kanila. Dapat ding isara ang mga remittance centers na saksakan ng tagal mag-remit.
Dito sa Usapang OFW ay naging tradisyon na natin ang pagbusisi sa annual report ng POEA dahil hindi tayo nagkakasya sa mga sugar-coated press releases lang. Ang bawat datos kasi kaugnay ng mga OFW ay may kanya-kanyang kuwento.
Sa pagbusisi sa mga datos na nakapaloob sa POEA Annual Report, titingnan natin kung rosy ba talaga ang picture ng OFW deployment para sa 2009 batay sa performance ng POEA noong 2008. Abangan po ninyo iyan.
6,000 pa
Sa Saudi ay hindi raw delikadong mawalan ng trabaho ang mga OFW, bagkus ay nangangailangan pa raw ang naturang bansa ng 6,000 pang OFWs para sa iba’t ibang work sector nito. Iyan ay kahit pa bu­mababa ang revenues ng KSA sa harap ng pagbagsak ng halaga ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Alam naman natin na ang yaman ng Saudi ay nagmumula sa langis, bagama’t, tulad ng United Arab Emira­tes, ay nagsisimula na itong mag-diversify ng pinagkakakitaan. Hindi naman po lingid sa inyong kaalaman na ang tourism ang isa sa pinagtutuunan ngayon ng pansin ng UAE, partikular ng Dubai at ngayon ay sumusunod na rin ang Abu Dhabi.
Tuloy ang serbisyo
Ang Usapang OFW ay pwede ninyong ma-reach sa telephone number na 551-5164, padalhan ng email sa usapang_ofw@yahoo.com o itext sa 09292067318 para sa inyong mga katanungan at komentaryo.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES