January 23, 2009 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Agresibo
Editorial


Sa pangkabuuan, napakaagresibo ng nilalaman ng inau­gural speech ng bagong upong Presidente ng Estados Unidos na si Barack Obama.
Bagama’t may pagkaagresibo mararamdaman naman ang pagkasinsero sa kanyang mga tinuran na dapat ay maging panggising sa mga opisyal ng ating pamahalaan na walang takot kung magbitiw ng mabibigat na paha­yag pero hindi naman kayang panindigan.
Maraming nilitanya si Obama kaugnay sa mga plano nito sa gobyerno ng Estados Unidos bilang pagharap sa isang hamon tungo sa isang makabagong Amerika.
Pero sa lahat ng kanyang tinuran ang napakapositibong pananaw nitong malalagpasan ang hinaharap na pandaigdigang krisis kung makikipagtulungan ang mamamayan ng Estados Unidos ang ating sinaluduhan.
Ipinangalandakan ni Obama ang kahalagahan ng pakikiisa ng kanyang mga kababa­yan upang malagpasan ang anumang pagsubok tungo sa isang matagumpay na bansa.
Sabagay ganito rin naman ang panawagang ginagawa ng ilang lider ng ating bansa, ang problema nga lamang ay walang tumutugon sa kanilang panawagan dahil sa kawalan na ng tiwala sa kanilang liderato.
Kung isang malinis na lider at walang bahid ng katiwalian lamang ang namumuno sa ating bansa, hindi malayong maibigay ng sambayanang Filipino ang suportang kagaya ng ibinigay ng mga Amerikano kay Obama, pero hindi dahil balot ng anomalya ang administrasyong ito na siyang nagtutulak upang talikuran ng publiko.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES