January 23, 2009 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Nangangarap siya nang gising!
(Dindo Matining)
 

Ito ang natatawang reaksyon ni Parañaque City Rep. Roilo Golez sa pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando na halos magkapareho sila ng ‘advocacy’ ng bagong pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama.
“BF like Obama? Malayo! Nakakatawa lang siya,” ayon kay Golez, ang numero unong kritiko ng kontrobersyal na MMDA chairman.
Sa isang panayam sa radyo, sinang-ayunan ni Fernando ang pahayag ni Executive Secretary Eduar­do Ermita, na maraming matututunan si Obama kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa malawak nitong karanasan sa pamumuno.
Sa nasabing panayam, ipinagmalaki rin ni Fernando ang pagkakapareho nila ng advocacy ni Obama na matagal na aniya niyang inihayag mula pa noong magdeklara siya ng pagtakbo sa 2010 presidential election.
“Laugh out loud, that fits him best,” ani Golez kasabay ng pagsabing malayo sa katotohanan ang ilusyon ni Fernando dahil taliwas naman aniya ang ginagawa niya sa kanyang advocacy sa buhay.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES