January 23, 2009 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Drug test wala ng atrasan!
(Rose Miranda/Tina Mendoza)
 

Ibinasura kahapon ng Malacañang ang hirit ng Commission on Human Rights (CHR) na ipagpali­ban muna ang random drug test sa mga estudyante.
Tiniyak ni Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez na base sa pakikipagtalastasan nila sa Department of Education (DepEd) ay walang balak ang departamento katuwang ang Commission on Higher Education (Ched) na ipagpaliban ang drug test sa mga estudyante na uumpisahang ipatupad sa Pebrero 2, 2009 dahil isinasapinal na ang mga detalye at hakbangin hinggil dito.
Iginagalang umano ng Malacañang ang pagnanais ng CHR na harangin ang random drug test ngunit mas may bigat ang kahala­gahan na ituloy ito para na rin maisalba ang mga kabataan mula sa balasik ng ilegal na droga.
“It will take effect on February 2. A lot of groups have their own opinions but ang pinakaimportante ay tuloy ito, ayon sa DepEd,” ani Golez.
Pinanindigan ng Palasyo na wala silang nakikitang ilegal sa drug test sa mga kabataan dahil hindi ito sapilitan at itinatadhana ng Dangerous Drugs Act bukod pa sa pagtiyak na poproteksyunan ang karapatan at pagkakilanlan ng mga susuriing estudyante.
Unang isasalang sa pagsusuri ang mga high school and college students mula sa public at private schools sa Metro Manila, Davao City at Cebu province.
May dalawang stages ang gagawing random drug testing, una ay initial drug test at ikalawa ay confirmatory test. Sa oras na maging positibo sa unang test ay magkakaroon ng confirmatory stage test kung saan ang urine samples ay dadalin sa Maynila para sa karagdagang pagsusuri.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES