January 23, 2009 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
HEADLINES
 
Depensa sa cabinet revamp: Hintayin muna ang ibubuga
(Rose Miranda/Bernard Taguinod/Dindo Matining/Rey Marfil)
 

Idinepensa kahapon ng Malacañang ang huling cabinet revamp sa mga alegasyon na wala itong silbi dahil pawang “old faces” ang sangkot at inilipat-lipat lamang ng posisyon kaya’t wala ring bago na aasahan ang publiko.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez na dapat igalang ang pasya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil ang tanging motibo ng pagbalasa ay higit na pagpapaigting sa serbisyo-publiko ng ehekutibo.
Payo pa ng Malacañang sa mga kritiko, hintayin muna ang ibubuga ng mga binalasang opisyal bago husgahan.
Ilan sa mga panguna­hing binalasa o pinaglipat-lipat na personalidad sa gabinete ay sina Press Secretary Jesus Dureza na itinalaga bilang Chief Presidential Legal Counsel samantalang papalitan naman ito ni Presidential Management Staff (PMS) Chief Cerge Remonde.
Ang magiging bagong PMS Chief ay si Presidential Adviser on the Peace Process Hermogenes Esperon samantalang ang posisyon ng huli ay ibibigay kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Avelino Razon.
Kaugnay nito, inilara­wan naman ni Sen. Mar Roxas bilang ‘tsubibo revamp’ ang ipinatupad na reshuffle sa hanay ng gabinete.
Ayon pa kay Roxas, wala ng matinong opisyal na makuha si Pangulong Arroyo kaya’t pinaikut-ikot lamang ang mga tauhang napakinabangan noong 2004 national election.
“Tsubibo ng Malacañang ‘yan,” ani Roxas.
Ayon naman kay CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva, hindi maaaring tawaging revamp ang ginawa ng Malacañang dahil pare-parehong tao lamang naman ang makikita.
“Parang wala na silang makuhang iba. Dapat ‘di na tawaging revamp. Sila-sila rin naman ang makikita natin at pare-parehong lengguwahe lang at mga opinyon ang maririnig natin,” pahayag ni Villanueva.
Lumalabas din umano na hindi na ikinukonsidera ni Arroyo ang kuwalipikasyon ng kanyang mga makakatuwang sa gobyerno kundi loyalty na makikita sa pagbigay ng sensitibong trabaho kay Esperon.
“Hindi na tungkol sa qualification ang basehan nila. Basta loyal ka sa kanya bibigyan ka ng sensitive position. Nakakalungkot,” dagdag pa ng mambabatas.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES