| LUPIT IPINATIKIM SA KAPALIT |
| Malupit na paghihiganti ang ipinalasap ng isang lalaki sa tomboy na umagaw sa pagmamahal ng isang dalaga na kanyang dating karelasyon matapos halihawin ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktima habang naglalaro ng video game sa labas ng kanilang bahay sa Malabon City kahapon ng madaling araw. |
| Ano’ng matututunan ni Obama kay Gloria? |
| Katakut-takot na kantiyaw at pagbatikos ang inabot ni Executive Secretary Eduardo Ermita mula sa mga senador at sa hanay ng oposisyon dahil sa kontrobersyal nitong pahayag na maraming matututunan si US President Barack Obama kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. |
| Depensa sa cabinet revamp: Hintayin muna ang ibubuga |
| Idinepensa kahapon ng Malacañang ang huling cabinet revamp sa mga alegasyon na wala itong silbi dahil pawang “old faces” ang sangkot at inilipat-lipat lamang ng posisyon kaya’t wala ring bago na aasahan ang publiko. |
| Drug test wala ng atrasan! |
| Ibinasura kahapon ng Malacañang ang hirit ng Commission on Human Rights (CHR) na ipagpaliban muna ang random drug test sa mga estudyante. |
| Bigas naman ang bantayan! |
| Pinapupunta na ng isang kongresista sa mga palengke ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) upang bisitahin ang mga tindahan ng bigas matapos makarating sa kanyang kaalaman na nagtaas ng P100 hanggang P200 ang mga negosyante sa bawat sako ng commercial rice. |
| Nangangarap siya nang gising! |
| Ito ang natatawang reaksyon ni Parañaque City Rep. Roilo Golez sa pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando na halos magkapareho sila ng ‘advocacy’ ng bagong pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama. |





