January 23, 2009 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
Senador may special weapon
(Boyet Jadulco)

Sa harap ng mga tsismis na mayroon itong iniinom na “endurance drug”, inilabas na ng isang miyembro ng Upper House ang kanyang “secret weapon”.
Sa impormasyong nakuha ng TONITE, ibinu­yangyang na raw ng isang beteranong senador ang gadget na pagkatagal-tagal na niyang itinatago sa mata ng publiko.
Nagkaroon daw ng pulong balitaan sa mataas na kapulungan ang senador na ito upang magpaliwanag sa isang panukalang batas na inaprubahan kamakailan ng kapulungan.
Dahil sa maraming numero at bagong item na pinag-uusapan sa inap­rubahang panukala, inilabas na ng senador ang pinakatagu-tago niyang gadget na isang malaking magnifying lens.
Hindi pala Viagra, Red Bull o Cobra ang palaging bitbit ng senador, kundi ang gamit na lente para mabasa ang maliliit na letra at numero ng mga binabasa nitong dokumento.
Marami tuloy ang na­patingin sa bitbit ng senador, kung saan ang iba ay nag-flashback pa sa panahon ng kanilang pag-aaral ng siyensya, gamit ang lenteng ito na pangsunog ng papel.
Nakasuot na ng reading glass ang senador pero kinaila­ngan pa nitong ilabas ang pangalawa niyang pambasa, ang malaking magnifying glass na hindi yata kayang daklutin ng kamay ng isang tao dahil sa sob­rang laki.
Kahit na gamit ang kanyang gadget, aba’y hirap pa rin sa pagbabasa ang senador, animo’y nakarinig ka ng isang grade one pupil sa isang pampublikong paaralan na inutusan ng kanyang teacher na magbasa sa harap ng kanyang mga kaklase.
Kung buhay pa nga ang segment ng “Ang Da­ting Doon” na programa ni Bito’y sa Kapuso Network, tiyak na klik sa manonood ang paggamit ng gadget na ito kapag kumumpas na si Brad Pete ng “basa” sa dalawa nitong alalay.
Buti na lang daw at nasa loob ng gusali ang senador habang nagbabasa dahil kung nagka­taon na nasa labas ito at nasisikatan ng araw, baka nagliyab na ang hawak nitong papel dahil sa tagal ng pagbasa gamit ang nasabing lente.
Clue: Ang senador na ito ay isa sa nagbabalak na tumakbo sa darating na halalan. Ang pangalan nito ay pangkaraniwang ginagamit bilang pagtukoy sa isang Pinoy.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES