CHINESE New Year ang tatalakayin ni Lucy Torres sa The Sweet Life mamayang 5:00 PM sa Q-11.
Pag-uusapan ang pagluluto ng Chinese food, feng shui sa pera at pag-ibig, at masusuwerteng alaga sa Year of the Ox.
***
Mainit ang paghaharap ng Du Family at Zamora Family sa Family Feud ngayong Biyernes, bago mag-24 Oras sa GMA 7.
Palaki nang palaki ang jackpot prize. P1.7M ang maaaring iuwi ng masuwerteng pamilya.
Sino kayang pamilya ang magiging unang milyonaryo sa Family Feud?
***
Tumutok sa Bubble Gang ngayong gabi at alamin ang kapalarang naghihintay sa inyo ngayong Year of the Ox!
Ihahatid ni Madam Chacha (kapatid ni Madam Rocha) ang mga nasagap niyang vibrations at predictions para sa 2009!
Bukod dito, andiyan pa rin ang mga nakakaaliw na segments ng programa.
Mapapaaway si Yaya (Michael V) dahil ipagtatanggol niya si Angelina (Ogie Alcasid) sa kapwa niya yaya na nagsabing maldita ang kanyang alaga.
Mapapasubo si Yaya sa katarayan ng kapwa yaya (Tuesday Vargas).
Ang phenomenal duo na Moymoy Palaboy ay aariba sa kantang Sexy Back ni Justin Timberlake.
Sa FONDS AGE MIRACLE ay may limang bersyon ang patalastas ng Ponds nina Aga at Charlene.
Ang isang movie actor ay hindi magampanan nang maayos ang eksena sa isang babae na tinatadyakan ang kanyang betlog.
Panauhin din sa episode na ito sina Paolo Contis at Ehra Madrigal.
***
Patuloy sa pagbibigay saya ang mga Kapamilya sa paggulong ng Kapamilya Karavan sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.
Matapos ang ABS-CBN Kapamilya Karavan sa Sinulog ng Cebu noong nakaraang linggo, ngayong weekend (Enero 24 at 25) ay dadayo naman sila sa Dinagyang festival sa Iloilo.
Makiki-party sa Dinagyang sina John Lloyd Cruz at Cristine Reyes bukas (Sabado) nang 6:00 PM sa Freedom Grand Stand.
Pagsapit nang 7:00 PM ay magsu-show naman dito ang bandang Kamikaze.
***
Bibisita ang ASAP ‘09 ngayong Linggo sa Mabalacat, Pampanga.
May bonggang presentation ang Pop Icons na sina Piolo Pascual, Erik Santos, Mark Bautista, Christian Bautista at Sam Milby.
Sa Rock Xpress, makikipagbiritan si Arnel Pineda kasama ang bandang Aegis.
Magdu-duet sina Pops Fernandez at Martin Nievera sa ASAP Music Room.
***
Bibisita si Dennis Trillo (bida sa Gagambino) sa Linggo nang 4:00 PM sa 2/L Activity Area ng Starmall EDSA-Shaw.
May album naman si Mark Bautista sa Linggo nang 4:00 PM sa 2/L Activity Center ng Starmall Alabang.
***
Hinada ni Jake Roxas si Rico Barrera sa isang eksena ng pelikulang Walang Hanggang Paalam, na idinirek nina Paolo Villaluna at Ellen Ramos (directors ng Selda at Ilusyon).
Tampok din sa Walang Hanggang Paalam sina Joem Bascon, Jacky Woo at Lovi Poe.
Ang premiere ng pelikula ay sa Pebrero 8 nang 8:00 PM sa Robinson’s Galeria.
Ang regular showing nito ay sa Pebrero 11-18 sa IndieSine ng Robinson’s Galeria.
|