MALUNGKOT ka, nag-joke ako. Tumawa ka, tumawa ako. May problema ka, nag-joke ulit ako.
Tumawa ka, tumawa ako. Nagalit ka, nag-joke pa rin ako. Tumawa ka, tumawa ako.
Sinabi kong mahal kita… akala mo, joke. Tumawa ka… umiyak ako! [Jen ng Cavite, 0927-289-4239]
Tinamaan ka ba d’yan, Barok Obama?
Muli, ang pakiusap namin sa mga mambabasa… HUWAG PO NINYONG SERYOSOHIN ang mga kabulastugang natitipon sa pitak na ito.
Jokes lang po, walang personalan.
***
Sa isang lamayan…
ALING ISKA: Totoy, anong huling salita ng tatay mo?
TOTOY: Wala po. Hindi po nakapagsalita si Tatay. Kasi po, hanggang sa huling sandali, nasa tabi niya si Nanay kaya hindi siya nakasingit!!! [CART, 0918-732-8983]
***
NANAY: O, Junior, puro pasa ka?! Basagulero ka talaga! Manang-mana ka sa tatay mo! Sino bang nakaaway mo?
JUNIOR: Si Jake po, ‘yang pogi sa tapat.
TATAY: Halika, anak! Resbakan natin!
JUNIOR: Huwag na po! Hindi na kailangan. Nakipag-break na po ako sa kanya! Hu! Hu! Hu! Hu! Hu! [Baby Chinito]
***
Sa McDo…
KUSTOMER: Miss, may wi-fi ba kayo?
CREW: Ay, sir, wala po, eh! Apple pie and taro pie lang po. [Victor Boso, 0927-833-8426]
***
KATHY: Sir, hindi na po ako papasok bukas!
BOSS: Ha? At bakit naman?
KATHY: Lagi n’yo na lang akong pinupuna sa spelling ko, sir! And I can’t BARE DES ENYMORE! Do you hear me, sir? I now resine… R-E-S-I-N-E!!! [Pabs Rosas ng Angeles City]
***
PEPE: Anong parte ba ng babae ang tinatawag na YET?
JOJO: Hindi ko alam. Bakit?
PEPE: Kasi, sabi dito sa dyaryo, “A girl was shot in Malate, and they haven’t been able to get the bullet out of her yet.” [Che ng Bulacan, 0927-644-0579]
***
Usapan ng tatlong tambay…
MARVIN: Ang tatay ko, sikat! Pag lumabas ng bahay, kinakawayan ng mga tao!
TONY: Mas sikat ang tatay ko! Paglabas niya ng bahay, naglalapitan ang mga tao at nagpapa-autograph sa kanya.
LESTER: Ang tatay ko, pag lumabas ng bahay, naglalapitan ang mga tao, tapos, nagpapalitrato sila!
MARVIN at TONY: Ang galing ng tatay mo! Sikat nga siya!
LESTER: Hindi sikat ang tatay ko. Trabaho niya ‘yun! Photographer siya! [0922-856-7015]
***
JOSHUE: Good morning, dok.
DOKTOR: Good morning din. Teka… naging pasyente na kita, ah?!
JOSHUE: Opo, dok! Nagpagamot po ako sa inyo isang taon na ang nakalipas.
DOKTOR: O, ano’ng problema?
JOSHUE: Itatanong ko lang po kung pwede na akong maligo! [Naughty Boy]
***
CALENDAR METHOD
MISIS: Sabi mo, dok, safe ang calendar method. Eh bakit ho nabuntis na naman ako?
DOKTOR: Paano n’yo ba ginamit ang kalendaryo?
MISIS: Ginawa ho naming banig. [Jen ng Cavite]
***
REPORTER: Bilib ako sa inyo, sir! Talagang ipinaglaban ninyo ang death penalty, lalo na sa mga drug pusher at drug lord!
MATEO: Ay, oo! Dahil salot ‘yan sa lipunan at mga kabataan!
REPORTER: Kahanga-hanga talaga kayo, sir! Ano nga pala ang negosyo ninyo?
MATEO: Ahh… ehh… may-ari ako ng Mabuhay Funeral Parlor! [Pabs Rosas]
***
“Ang Love, parang sintas ng sapatos. Dalawang dulo ang kailangan para mapagbuhol, pero isang dulo lang ang kailangan para kumalas.” – MR. QUICKIE [Djsonic, 0915-943-7248]
***
Labis ang dalamhati ni Dong dahil nilayasan siya ng kanyang asawa.
Maluha-luhang dumulog si Dong sa paring misyonero.
“Let’s pray, Dong,” payo ng pari. “No problem is so big when you pray… Pray for HEALING and DELIVERANCE!”
“Lord,” bungad ni Dong, “HEALING ko po, tumama sa jueteng. Paki-DELIVER po agad!” [Adarmi]
***
MAHIWAGANG ABONO
Hindi madale, kasi, binoBOLANTE.
Hindi makalimutan dahil PAULE-uli.
Nang sumulpot si TESS, nasabi ko, “AY! ‘TO NA!”
Subali’t hindi pa pala.
Biglang may umain!
Nanggoyo umano si GREGORIO!
Budhi’y binagabag! Katotohana’y nasiwalat… para raw sa bayan.
JULIEbee your name!
Kaytagal… kayhaba… kaybagal magsiyasat, puro satsat.
Konklusyon ng Senado, hindi mARAOS.
Hay! Pesteng abono! PESTELIZER ka nga! [Adarmi]