MASUWERTE si JC de Vera sa pangangalaga ng Royale Era Entertainment ni Annabele Rama.
Si Annabelle ang kumumbinsi noon kay JC na pasukin ang showbiz.
Dahil nag-aaral pa ay hindi gaanong aktibo si JC sa showbiz noong una. Binigyan niya ng importansya ang pag-aaral sa San Agustin sa Dasmariñas Village, Makati.
Nang matapos na ng high school si JC ay doon siya nag-full blast sa kanyang showbiz career.
Sa tamang plano at disiplina ni Annabelle kay JC ay narating nito ang kinalalagyan ngayon.
Si JC ay isa na sa mga importanteng aktor ng GMA 7.
Sunud-sunod ang magagandang projects na ibinibigay sa kanya.
Hindi naging hadlang sa pagsikat ni JC ang love intrigues na pinagdaanan niya.
Sa ngayon ay abala si JC sa Lalola na pinagbibidahan nila ni Rhian Ramos.
Maraming nagkukuwento sa amin ng mga lambingan ng dalawa sa set.
Kay JC yata naramdaman ni Rhian ang pagiging ganap na dalaga.
Syanga pala, gustong ipaalala ni Annabelle Rama ang prinodyus niyang pre-Valentine concert sa Pebrero 7 sa Crowne Plaza Hotel Ballroom sa Ortigas Center na tatampukan nina Verni Varga, Pokwang, Pops Fernandez, Iya Villania at Rochelle Pangilinan, with Raymond Gutierrez as host.
7:00 PM ang dinner at 9:00 PM ang showtime. Para sa mga detalye, makipag-alam sa tel.# 727-2534, 727-2536, at cell# 0927-878-8312.
***
Hindi natinag si Dennis Trillo kahit lumamang ang teleseryeng Tayong Dalawa sa telefantasya niyang Gagambino.
Pinag-iigi nila ang bawat eksena sa Gagambino. Laging positive ang itsura ni Dennis nowadays matapos ang mga bagyo sa lovelife niya.
Maayos ang aura ng aktor at sa trabaho siya nakatutok para na rin sa future ng anak nila ni Carlene Aguilar.
Imbes na kung anu-ano ang ginagawa ni Dennis sa free time ay naloloko ito sa biking.
Hindi siya napapansin ng mga tao habang binabagtas niya ang mga kalye na malapit sa condo niya dahil naka-helmet siya.
Minsan, isang kasamahan sa panulat ang biglang binati ni Dennis sa kalye habang nagba-bike ito.
Nagulat ang lady journalist na akala niya ay hoholdapin siya.
Ganyan si Dennis -- tahimik pero friendly at approachable.
***
Sobrang pasasalamat namin sa matriarch ng Regal Entertainment na si Mother Lily sa ibinigay niyang birthday party para sa amin nina Ian Fariñas at Mario Bautista kamakalawa nang gabi sa penthouse ng Imperial Palace Suites, Morato Ave., QC.
Kabilang sa kaibigan sa showbiz na dumating sina Douglas Quijano, Dolor & Boots Plata, Girlie Rodis na naging official photographer at nasa facebook ang coverage, Allan K (na na-postpone nang isang araw ang pagpunta sa Canada dahil naiwan ang passport na may US visa), Ricky Davao, Malou Choa-Fagar, Shirley Kuan, Manay Ethel Ramos, Alfie Lorenzo, Kris Bernal, Jomari Yllana, Pia Guanio, Mayor Toby Tiangco, Jacky Woo, ang powerful women of GMA, Dennis Trillo (na dineliver pa ng GMA program manager na si Redgyn Alba), Ms. Annabelle Rama, representatives ng ABS-CBN Corporate Communications, pamilya ni Tirso Cruz III, Ms. Lani Mercado, Bien & Booby Andrews, Lito Alejandria ng Zirkoh & Klownz comedy bars, ang pilantropong si Zachary Barlahan, Tates Gana ni Vice Mayor Herbert Bautista, Ejay Falcon, Christian Burke at Rufa Mae Quinto.
Gusto rin naming pasalamatan ang mga hindi nakarating pero nagpadala ng mga kung anu-ano gaya nina Senador Jinggoy Estrada, Bea Alonzo, Lorna Tolentino, Gov. Junjun & Andeng Yñares, Popoy Caritativo, Boy Abunda, Mr Antonio Tuviera.
Maraming salamat sa inyong lahat.
***
Sina LJ Reyes at Tueday Vargas ang maglalaban sa Pacman Challenge ng pagiging Kung Fu Queen sa Pinoy Records bukas sa GMA 7.
Mapapanood din sa programa ang unang Pinoy na executive chef sa isang 5-star hotel.
|