EXCITED si Ruffa Gutierrez sa pagpasok ni Pops Fernandez sa I ♥ Betty La Fea.
Tulad ng kontrabida karakter niyang si Daniella Valencia ay maldita rin ang role ni Pops bilang si Paulina La Serna na bagong mang-aapi kay Betty Pengson (Bea Alonzo).
Dapat ay unang magkakatrabaho ang magkaibigang Ruffa at Pops sa pelikulang Desperadas 1, pero hindi ‘yon natuloy at sa TV pala magaganap ang kanilang pagsasama. 
“This will be the first time that we’re gonna be working together, so excited ako. Kasi, Grade VI pa lang ako, pinapanood ko na silang dalawa ni Martin (Nievera),” kaswal na bulalas ni Ruffa nang tsumika siya sa amin sa thanksgiving party for the press ng Royale ERA Entertainment.
‘Kalokah, huh! Ganu’n na ba katanda si Pops?
“Totoo naman, ‘di ba? Ha! Ha! Ha! Hellooo, age is just a number, ‘no! Ang importante, she’s very young,” natatawang sey niya.
Ibig sabihin, bagets pa lang siya ay fashion icon na si Pops, so, paano niya ito lalabanan ‘pag nagkasama na sila sa I♥BLF?
“Ay, lalaban ako! Malakas naman ang loob ni Daniella, ‘no! I’m sure, pagkukumparahin kami, pero I’m already ready for that!
“Kasi ako, I already have a headstart. Kasi, matagal na akong nasa I ♥ Betty La Fea. So, wherever I go, people call me Daniella. 
“They already know me, especially sa mga probinsya. I mean, you know, malakas ang ABS-CBN sa probinsya, so, they always call me Daniella.
“They always see me there, so, naunahan ko na nang milya-milya (si Pops). I’m sure, I would be very excited kung sino si Paulina at kung paano siya mang-aapi lalo kay Betty,” ani Ruffa.
Kung natutuwa si Pops na makasama sa show si Ruffa ay ganundin ang nararamdaman ni Ruffing.
“Honestly, I’m very excited to work with her and I’m sure, kahit na ‘yung mga bagets, umiiwas sa akin, sa tent ko dahil baka itsismis ko sila sa The Buzz, I know that Pops would be my roomie (roommate) in the tent!”
Naniniwala ba siyang mas may lamang siya dahil mas bata siya kumpara kay Pops?
“You know, si Pops, even if she’s a bit older than me nang konti, she’s still very young at heart. At si Pops, magaling din magdamit. She’s very classy.
“And she’s my friend sa totoong buhay, so I’m very excited. I don’t think there’s gonna be a problem at hindi kami mag-aaway. I mean, I’m very happy that she has work,” dayalog pa ng actress-TV host.
***
Ang sabi ni Pops ay tatawa lang daw sila nang tatawa ‘pag magkasama na silang dalawa…
“Exactly! Pagtatawanan lang namin. Like sa ASAP, sumayaw kami. Sabi niya, ‘Girl, ano ba ‘yan? Is that real fur on your neck?’ Ha! Ha! Ha!”
So, looking forward siya sa mga tarayan at patalbugan nila ni Pops?
“Ay nako, I’m really, really looking forward. Gusto ko talagang abangan kung paano ‘yung pagiging bitchy ng isang Pops Fernandez.
“Because sa lahat ng magkakaibigan, I’m telling you, siya ‘yung pinaka-clueless sa mga intriga!
“Lahat kami, like kunwari, kaming dalawa ni Gretchen (Barretto), chikahan lang nang chikahan, she (Pops) will be like, ‘Talaga? When did that happen? I’m the last to know…’
“She’s always Miss Hinhin. She doesn’t know anything that’s happening in the world. She has her own world.
“So, I think with this, talagang I’m so excited to see how Pops makes taray, because in real life, she’s the sweetest, nicest girl and talagang very sensitive.
“Ako, ‘pag may problema ako, kahit minsan, hindi kami madalas magkita because of our busy schedules, Pops always gives the best advice.”
Pero dahil super-mean ang karakter niyang si Daniella sa I♥BLF, good luck na lang kay Pops bilang si Paulina, ganu’n ba?
“No, ang aking message sa kanya, welcome to the show! I’m so excited to have a roommate!” sagot ni Ruffa.
Bakit pa-cute ang sagot niya, hindi ba threat sa kanya si Pops?
“Hoy, definitely not, ‘no! It’s true. Well, that’s Ruffa talking. Do you want Daniella talking? I-clear mo na si Daniella ang nagsasalita, ha? My God, baka awayin ako ni Pipay, ‘no!
“Okay… Paulina, well, I don’t know, she really has to stand up to Daniella because Daniella is gonna give her hell! If she can take Daniella, well, I’ll give it to her. Malay mo, in the end, we’ll be best friends?
“I’m sure, iti-test ko siya. Para akong si Blair (Leighton Meester) sa Gossip Girl. Tingnan natin kung kaya niya ang katarayan ko. Kung kaya niya, fine, because she’s part of the group na!” nakangiting sey niya.