January 23, 2009 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 

Katrina at Kris, pakakasal na sa US?

Marvin, pinaligaya ni Krissa Mae

Abu Tilamzik
 

ILANG beses naming kinulit si Katrina Halili para makunan ng reaksyon sa mga sinabi ni Dra. Vicki Belo pero umiiwas ito.
Mabuting tahimik na lang daw muna siya dahil ayaw na niyang pag-usapan ang kontrobers­yang iyun.
Pero nakakabit pa rin siya sa isyu nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho na pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon.
Isa na rito ay kung kasali pa ba si Katrina sa mga endorser ng Belo Medical Group.
Hindi muna ako sinagot ni Dra. Belo tungkol diyan, pero nakarating daw sa kanya na merong alok kay Katrina ang isang katapat na beauty clinic.
Say ni Dra. Belo, abangan na lang natin ang bagong billboard na babalandra sa EDSA at sa ibang lugar.
‘Men of Belo’ ang ilu-launch nito at tiyak na wala rito si Dr. Hayden.
Sa website ng Belo Medical Group (belomed.com) ay wala na ang litrato ng hubad na katawan nina Hayden at Katrina.
Pinalitan sila nina Lucy Torres (para sa Women’s Face), Piolo Pascual (para sa Men’s Face), Ruffa Gutierrez (para sa Women’s Body) at Dingdong Dantes (para sa Men’s Body).
Wala na munang komento si Katrina tungkol dito. Mas gusto niyang manahimik dahil sa totoo lang, marami pang isyung dapat niyang sagutin.
May nakarating pa na kuwento sa amin na sobrang seryoso na ang relasyon nina Katrina at Kris Lawrence.
Hindi ko tiyak kung totoong may isang malapit na kaibigang pinagtapatan daw ni Katrina na sa susunod na alis nila ni Kris pa-Amerika, baka magpakasal na sila roon.
Botung-boto raw kay Katrina ang pamilya ni Kris.
***
Tinanong ng Startalk si Marvin Agustin kung nasa ligawan stage na ba sila ni Krissa Mae Arrieta.
“Wala pa naman mas­yado, hahaha,” sagot ni Marvin.
“I can say, we had fun nu’ng nag-spend siya ng holidays sa bahay,” dagdag ng aktor.
Sakaling umabot sa ligawan, wala raw masama dahil wala raw silang commitment kung kanino.
Nag-e-enjoy lang daw sila ngayon dahil smart daw si Krissa at napa­kabait.
“Mabait siya. Very bubbly, parang masaya lang siya sa lahat ng mga nangyayari sa buhay niya, kaya nagustuhan din siya ng pamilya namin.
“Parang nagdala siya ng joy nu’ng Christmas at New Year sa bahay namin,” patuloy na kuwento ni Marvin tungkol kay Krissa Mae.
Napakabilis daw ng mga pangyayari kung maisyung sila na, pero mukhang doon ang bagsak niyan dahil lagi silang magkasama at nagkakausap.
Mabuting dahan-da­han lang daw muna dahil hindi siya nagmamadali.
Sagot naman ni Krissa Mae, “Let’s just enjoy the moment and see where it takes us. Ganu’n lang!”
Samantala, ayaw na rin ni Krissa Mae na pag-usapan pa ang tungkol sa isyu nila ni Polo Ravales.
Kahit si Polo ay gusto na rin itong iwasan dahil wala raw magandang kalalabasan.
Ayaw patulan ni Polo si Krissa Mae kaya mabuting manahimik na lang at hayaan na lang na makalimutan ang isyung iyun at hindi na rin maiba­balik ang da­ting friendship nila.
***
Akala ko, okay na ang dalawang aktres pagkatapos nilang magkaroon ng konting gap nu’ng nakaraang taon.
Sinabi ni actress A na okay na sila at nagkausap na raw sila nang masinsinan ng nakabangga niyang si actress G.
Magkasama sila sa iisang programa at matagal silang nagkadedmahan dahil sa isang masalimuot na isyu.
Naayos ang gulong iyun, at ikinuwento sa amin ni actress A na okay na sila at wala nang dedmahan sa kanila kapag magkasama sila sa set.
Nagtaasan ang kilay ng ilang katrabaho nila dahil parang wala raw nabago.
Minsan ay nagpabili ng pizza si actress G. Inalok silang lahat nang dumating ang pizza, maliban kay actress A.
Parang balewala ‘yon kay actress A at hindi niya pinansin kahit tanging siya ang hindi inalok ng pinabi­ling pizza.
“Ganu’n ba ang okay na sila?” tanong sa akin ng isa sa kasamahan nila sa taping.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES