January 23, 2009 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Byuting teener namaga sa tubig
(Juliet de Loza)
 

Dedbol na at pinaniniwalaang matagal nang nakababad sa tubig dahil namamaga na ang katawan nang matagpuan ang bangkay ng isang magandang estudyante habang palutang-lutang sa Pasig River sa lugar na nasasakupan ng Bacood, Sta. Mesa, Maynila kahapon ng umaga.
Nagsasagawa pa nga­yon ng masusing imbesti­gasyon ang Manila Police District (MPD) sa pagkakatagpo ng bangkay ng biktima na nadiskubre dakong alas-siyete ng umaga sa pagitan ng San Juan at Pasig River sa may compound ng Custombuilt Hollowblock Corp. sa Dalisay St., Bacood, Sta. Mesa.
Inilarawan ang biktima na nasa 15-17 ang edad, ba­lingkinitan ang panga­ngatawan, hanggang balikat ang haba ng buhok, may taas na 5’7, maputi, nakasuot ng kulay puting blouse na uniporme ng Makati High School, kulay itim na panty at short pants na may kumbinasyon ng kulay puti at pula, at nakapaa.
“May gasgas sa kaliwang tuhod, pasa sa kanyang baba at kaliwang mata ang biktima,” ayon kay PO3 Gerry Amores ng MPD-Homicide Section.
Nakita umano ang bangkay ng biktima ng isang helper ng Custombuilt na si Artemio Jauod, 32, habang nagtatrabaho ito kaya ipinagbigay-alam niya kay Chairman Jesus Palya ng Barangay 625 Zone 62 District 6 na siya namang tumawag sa himpilan ng pulisya.
Iniimbestigahan din ng pulisya kung posibleng ni-rape muna bago pinatay at itinapon sa Pasig River ang biktima dahil nakababa ang suot nitong short pants nang iahon sa ilog.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES