January 23, 2009 Friday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
CRIME NEWS
 
Panty ginupit para makapang-rape
(AMadan)
 

Nagawang gupitin ng isang lalaki ang suot na short at panty ng isang 15-anyos na dalagita na walang kamalay-malay dahil sa mahimbig na pagkakatulog nito subalit nang tangkain ng pumatong ng suspek ay nagising naman ang nakababatang kapatid na babae ng biktima kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Sa ulat ng Women and Children’s Concerned Desk, kinilala ang naarestong suspek na si Cris Durando, 31, ng BMBA Compound, 2nd Avenue, Caloocan City. Nahaharap ito ngayon sa kasong rape at paglabag sa Republic Act 7610 o anti-child abuse law.
Nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling araw, walang kuryente sa lugar at mahimbing na natutulog ang hindi na pinangalanang biktima sa loob ng kanilang bahay nang pasukin ng suspek.
Nakatakas ang suspek sa pamamagitan ng pagta­lon sa bintana pero nahulog nito ang kanyang wallet na naglalaman ng kanyang pagkakakilanlan at dinala ito ng mga magulang ng biktima sa himpilan ng pulisya upang magsampa ng kaso.
Nadakip ang suspek sa follow-up operation ngunit idinepensa nito na nagtataka siya kung paano napunta sa bahay ng biktima ang kanyang wallet. Naholdap daw siya at nakuha ang kanyang wallet isang araw bago ang akusasyon sa kanya.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES