Alfie Lorenzo

Billy Balbastro

Allan Diones

Abu Tilamsik

Jun Lalin


Showbiz Gallery

Pralala Et Cetera


 

ENTERTAINMENT

Talent manager, nakakarma


Late dumating si Cogie Domingo sa presscon ng One Greenhills Shopping Plaza kahapon.

Nabangga kasi sa bandang Valle Verde, Pasig ang kotseng dina-drive ni Cogie. Nang dumating siya sa presscon ay nakaalis na ang karamihan sa mga inimbitang entertainment press.

"Dadalhin ko nga po mamaya sa casa ‘yung kotse ko, kasi, medyo malaki ‘yung tama," pahayag ni Cogie, na very apologetic sa kanyang pagkaka-late.

Tungkol pala sa negosyo nila ng kanyang amang si Atty. Rod Domingo (at ng kasosyo nilang si Atty. Tei Leonardo), in-announce ni Cogie na sa Enero 28 na ang kanilang grand opening.

Makakasama ni Cogie sa opening ng One Greenhills Shopping Plaza ang ka-loveteam niyang si Lovi Poe, na ayon mismo sa binata ay hindi pa rin siya sinasagot.

A-attend din sa grand opening ng One Greenhills Shopping Plaza si Sam Milby at magkakaroon sila ng autograph signing pagkatapos ng special show.

***

Ayon mismo kay Mark Herras, okey na silang dalawa ni Jennylyn Mercado pagkatapos silang pag-usapin sa telepono ng mga taga-GMA Artist Center.

Umaasa ang binata na hindi na lalala ang isyu sa kanila ng kanyang ex-girlfriend.

Inamin ni Mark na matagal na siyang naka-recover sa split-up nila ni Jennylyn. Mahigit dalawang taon na raw silang walang relasyon.

Mukhang pareho lang nilang prinotektahan ni Jennylyn ang kanilang team-up, kaya lately lang nila inamin ang tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Tungkol sa tanong kung mahal pa niya si Jennylyn, ang masasabi ni Mark ay friends na lang silang dalawa ngayon.

Ayaw na ring patulan ni Mark ang isyu sa kanila ni Patrick Garcia. Ang alam daw niya, naayos na rin ang isyu tungkol sa balitang naghahamon ng suntukan ang bagong boyfriend ni Jennylyn.

Wala na raw dapat ikatakot ang lahat na baka magsuntukan sila sakaling magkita sila sa GMA 7.

***

Noong mag-best friend pa sina talent manager #1 at talent manager #2 ay ikinukuwento ng una sa huli ang kanyang sexlife.

Nang magkagalit sina TM #1 at TM #2 ay natakot ang una na baka ibulgar ng huli ang kanyang sexcapades. Mabuti raw at tahimik lang si TM #2.

Nang sumabog ang kung anu-anong isyu laban kay TM #1 ay marami ang nagtangkang kunan ng pahayag si TM #2, pero ang tanging sinabi nito ay, "You don’t kick a dying horse. Naaawa nga ako sa kanya dahil nakakarma na siya!"

***

Hindi pa sigurado ni Aiko Melendez kung anong posisyon ang tatakbuhan niya sa second district ng Quezon City para sa eleksyon sa Mayo.

Depende raw ‘yon kay Mayor Sonny Belmonte. Kung ano raw ang sabihin ni SB, ‘yon ang susundin niya.

Sabi ni Aiko, malapit talaga siya kay SB, pero sa taas ng respeto niya ay nahihiya siya sa nabanggit na alkalde kapag inili-link siya rito.

Samantala, hindi rin sigurado si Aiko sa balitang magiging magkapartido sila ni Ara Mina.

Hindi raw niya alam kung totoo bang tatakbo itong kongresista ng kanilang district.

Mukhang ayaw masyadong mag-comment ni Aiko tungkol kay Ara dahil umiiwas na rin ang konsehala na maintriga pa silang dalawa.

***

Bukas, may birthday celebration sina Richard at Raymond Gutierrez sa SOP.

Alam na namin ang surprises ng SOP staff para sa kambal, pero ayaw naming ibuko ‘yon. Basta watch na lang kayo ng show bukas.

Dapat ay maglilibot sa iba’t ibang orphanage ang kambal ngayong araw na ito, pero hindi na muna ‘yon matutuloy.

Malamang, next weekend na nila ‘yon ituloy.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top