|
|
ENTERTAINMENT
Mga baguhang direktor, humahataw Kahit three weeks pa lang ang bagong taon, tila abala ang aming mga kaibigan na mga bagong director sa pagsisimula ng kanilang mga pelikula. Hindi si Dante Mendoza lang ang aming tinutukoy. Patapos na si Dante ng dalawang projects this year, ang Fantasya para sa CenterStage at Foster para sa Seiko. Abala si Adolf Alix Jr. (ng Donsol) sa kanyang follow-up movie na Gimo. ‘Kambing’ daw ang kahulugan ng titulo sa Tagalog. Sa salitang Ivatan ang pelikula at nag-location at auditions na siya sa Batanes. Si Auraeus Solito (ng Maximo Oliveros) ay nagkaroon na ng pre-production work sa kanyang pelikulang Pisay. Sinasabi ng taga-CCP na ‘Pinay na taga-Pasay’ ang ibig sabihin ng titulo. Kasali sina Adolf at Auraeus sa 3rd Cinemalaya filmfest sa July at bilang finalists, may subsidy sila muna sa mga Cojuangco (ang nagpapalakad ng Cinemalaya) na P500,000 para sa kanilang digimovie. Mga award-winning director sila ng Cinemalaya. Si Auraeus sa first at si Adolf last year. *** Habang binabasa ninyo ito, out of the country muna si Auraeus Solito. Nakatakda siyang dumalo sa Sundance filmfest sa Utah na nagsimula na this weekend. Hanggang Enero 28 ang festival ito sa Salt City. Last year, his Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros ay kasama sa official selection. This year, nasa Spectrum Section (out-of-competition) sa Sundance ang kanyang second movie na Tuli. Kahit nasasapawan ng Maximo Oliveros ang Tuli, tila umiikot pa rin ang second movie ni Auraeus sa mga film festival ng mundo. Kung ang Maximo ay jury prize winner (second) sa Cinemalaya 2005, ang Tuli ng Viva Films ang best digital film sa Cinemanila 2005 (five months later). Naging opening film din ito ng ImagineNATIVE filmfest sa Toronto kung san nanalo ang Maximo last year. *** Isang indie films admirer ang kumontak sa amin tungkol sa kolum namin kahapon on Maximo na nalaglag sa Oscars, para raw to put things in their proper perspective. Alam raw ba namin na ito ang "winningest" Pinoy movie abroad? More than Magnifico (2003) raw. Ayon sa aming notes,
winner ng 13 international film awards ang Maximo. Una itong
nakilala sa Montreal filmfest noong 2005 nang nanalo ito ng Golden
Zenith Award as best film. Sa Berlin (Pebrero 2005), nakatatlong awards ito: Teddy (best gay film), best feature film at second runner-up, Audience prize. Take note, noong Pebrero 2004, nakadalawang best film awards ang Magnifico rito as best youth film at best film sa isang age-bracket sa Berlin. Sa Las Palmas, Gran Canaras Film Festival, nanalo ang Maximo ng Audience prize, best actor (Nathan Lopez) at Grand Prize (Our Lady Harimaguada de Oro) with cash prize: 100,000 euros. Nanalo ito ng Best Asian Film sa Rotterdam (Netherlands) at sa Asian Festival of First Films sa Singapore. Noong April 28 sa Turin International Film Festival (Italy), napiling Best Feature ang Maximo at ang best video ay natamo ng Masahista. That time, wala si Auraeus sa Turin kaya ang award niya ay pinik-ap ni Dante Mendoza, director ng Masahista. Alam naming, very informative ang kolum namin for indie film lovers. *** NOTES: Fiesta time in Lipa City. Big Night naman nina Gladys Guevarra at Sam Milby with guests sa Zirkoh-Timog mamayang gabi. Teka, the celebration continues para sa kaibigang Joebarr! |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|