Alfie Lorenzo

Billy Balbastro

Allan Diones

Abu Tilamsik

Jun Lalin  


Showbiz Gallery

Pralala Et Cetera


 

ENTERTAINMENT

Ina ni Pauleen, napuno na kay Marvin


Inamin ni Robin Padilla na sadyang hindi niya pinanood ang pelikulang Zsazsa Zaturnnah dahil hindi pa siya handa na makita si Rustom Padilla na nagbabading at nakasuot pambabae.

Nanood daw si Liezel at ang mga anak niya, at nagandahan naman daw ang mga ito. Nakarating din sa kanya ang mga papuri kay Rustom, kaya proud daw siya bilang kapatid, pero hindi pa raw siya handa na makita ang bagong image ni Rustom.

"Mabuti na iyung naiwan sa utak ko ang dating anyo ng kapatid ko. Ayokong makita ko ang pagbabago niya dahil hindi pa ako sanay," pahayag ni Robin.

Hindi raw ibig sabihin ay ikinahihiya niya si Rustom. Basta, hindi pa rin daw siya sanay na makita si Rustom na nagbabading.

Mahal na mahal daw niya ang kanyang kapatid at nandiyan pa rin daw ang suporta ng buong pamilya kay Rustom.

Sa darating na eleksyon ay magiging abala raw si Robin para kay Rommel Padilla na balak pala tumakbong Board Member sa Nueva Ecija.

All-out daw ang suporta ng aktor para sa kanyang kapatid kaya pinaghahandaan na niya ito.

***

Tuloy ang guesting ni Mark Herras sa Startalk mamayang hapon para sagutin ang isyung awayan nila nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.

Mukhang nabaligtad na si Mark sa kuwento kahit umiiwas na sana siya sa gulo kaya mabuting magsalita na siya at ilahad ang kanyang panig.

Sinubukan ng Startalk na kunan ng pahayag ang magkasintahang Jennylyn at Patrick pero tumanggi ang mga ito.

Hindi raw sila magpapa-interview sa Startalk dahil sa nagalit daw itong Patrick nang sinabihan siya ni Manay Lolit na kirat nu’ng nag-guest ito nu’ng nakaraang Sabado.

Gusto lang ng Startalk na makunan ng pahayag ang bawat panig pero kung hindi pagbibigyan nina Jennylyn at Patrick ang naturang programa, okay lang iyun. Hindi sila kawalan sa Startalk.

***

Live guest din ng Startalk si Pauleen Luna para sagutin kung ano na ba ang kalagayan ng relasyon nila ni Marvin Agustin.

So far, ang pagkakaalam pa lang namin, matindi na ang galit ng mga magulang ni Pauleen kay Marvin.

Ewan ko lang kung magtatagal pa sina Pauleen at Marvin. Mas paniniwalaan pa rin ni Pauleen ang kanyang pamilya at hindi niya kayang suwayin ang kanyang mga magulang.

Marami na kaming naririnig na mga ginawa ni Marvin na hindi nagustuhan ng Mommy ni Pauleen kaya napuno na raw ito at mas matindi na ngayon ang paghihigpit niya sa young actress.

Gusto ng Mommy ni Pauleen na isali sa Bible study ang kanyang anak kasama ang mga co-host sa Eat Bulaga at baka magising na raw ito at hindi patuloy na mabulag kay Marvin.

***

Narito ang overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS CBN 2 noong HUWEBES (Enero 18):

SIS 9.3% vs. Homeboy 12.7%;

Yellow Handkerchief 15.7% vs. Game Ka Na Ba 17.3%;

Eat Bulaga 19.4% vs. Wowowee 22.8%;

Daisy Siete 18.4%, Makita Ka Lang Muli 12.8% at Kapuso Movie Festival 11.4% vs. Kapamilya Cinema 15.4%;

Jewel in the Palace 16.9% vs. Pangako sa ‘Yo 13.4%;

24 Oras 29.2% vs. TV Patrol World 25.2%;

Asian Treasures 35.4% vs. Deal or No Deal 31.1%;

Atlantika 29.7% vs. Super Inggo 33%;

Bakekang 27.5% vs. Sana Maulit Muli 32.1%;

Jumong 23.8% vs. Maging Sino Ka Man 27.6%;

Starstruck 15.2% vs. Princess Hours 22.3%;

Magpakailanman 14.3% vs. Bandila 9.5%.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top