Alfie Lorenzo

Billy Balbastro

Allan Diones

Abu Tilamsik

Jun Lalin  


Showbiz Gallery

Pralala Et Cetera


 

ENTERTAINMENT

Hunk actor, nag-take home ng kapwa hunk


Minsan pa ay napatunayan ng fans ni Juday na BALE-WALA talaga si Juday kay Piolo Pascual dahil nu’ng manalo raw si Juday sa MMFF bilang BEST ACTRESS ay hindi man lang daw binati kahit sa text man lang ni Piolo to congratulate his most successful partner.

Nu’ng magselebra naman daw ng birthday niya sa ASAP ay pinasalamatan daw ni PIOLO ang LAHAT, pero tulad ng una siyang manalo ng SUPPORTING ACTOR award na hindi man lang naalala ang pangalang Judy Ann Santos, hindi rin daw naalala kahit pahapyaw man lang na pasalamatan man lang si Juday na nakapartner niya sa mas MARAMING  pelikula kesa mga binanggit niya!

And to think na gusto pang kunan ng pagbati si Juday for Piolo na ilalabas sa ASAP, huh! Buti na lang, hindi namin pinagbigyan ang request! Or else, magmu-mukhang TRYING HARD na naman si Juday!

Kaya ‘yang mga fanatics ni Piolo bordering on the PRANING na ay kung anu-ano ang posting nila sa BLOG na pawang KASINUNGALINGAN at walang nangyari sa kuwento nilang hindi naman naganap!

Most of the post ay pawang paninira kay Ryan kaya kung kayo ang may mahal sa buhay na sisiraan, how would you react?

Kaya napipikon na si Juday at sinabihan na niya ang mga WALANG MAGAWANG MAGALING na mga fanatics.

Kung si Ryan siguro ang magdadayalog, ang sasabihin lang niya kay Piolo ay, "Give and take lang ‘yan, pare!"

Pare raw, oh! Ano ‘yan, si Sam?

May fans na nag-text sa amin regarding the guesting of Juday and Ryan sa The Buzz na sinundan pagkatapos ng guesting din ni Piolo.

Sabi ng isang texter: "Kaya lang naman umayon si Piolo at nagpa-humble na mag-a-apologize daw kung may nasabi man siyang nakasakit kay Ryan ay dahil KINABOG  na ng movie nina Juday at Ryan ang alinman sa movies ni Piolo na HINDI kasinlakas sa takilya ng KKK."

Ako naman ang magdadayalog: "Pana-panahon lang ‘yan, mga mare!" Hehehehe!!!

***

OA na ang contestants ng Wowowee na inuuto na si Willie Revillame sa hangad na mabigyan ng kahit magkano eh walang bukambibig na isinisigaw kundi, "ANG GUWAPO MO, WILLIE!!!!!"

Nu’ng una ay nakatutuwa ito at binibigyan ni Willie ng P500 ang sinumang magsabi na GUWAPO si Willie.

Nu’ng dumami ang nakikigaya kahit NAPIPILITAN LANG ay bumaba sa P300 to P200 na lang ang iniaabot ni Willie na sa dami at halos buong studio audience na ay nagsasabi at sumisigaw na GUWAPO MO WILLIE! ay tig-P100 na lang ang pinakakawalan ni Willie.

NAWILI na kasi ang mga nangongotong ng pamasahe kaya DAPAT nang MAHINTO ‘yang pamumudmod ng salapi.

IHINTO mo na ‘yan, Willie. Para ka lang bumibili ng PAPURI.

Kung wala nang pamudmod, let’s see kung may BULAG pa na magsasabing guwapo ka nga! Don’t buy praises, honey, hindi nabibili ang papuri, let it come NATURALLY from those who are really SINCERE in saying so.

This way, makikita mo na WHY and HOW the audience really love you -- if they really do, huh!

***

Gusto na naming maniwala ngayon sa nagtsika sa amin na isang HUNK na aktor ang na-sight nitong nag-uwi ng kapwa HUNK matapos ang isang fashion show na sinalihan nu’ng dalawang nag-take home to each other.

Kukunan kasi namin ng picture ang apo kong si John-John na ewan kung bakit biglang tumanggi.

Dati naman kasi, pag kukunan namin si John-John with any actor ay ganadung-ganado ito at todo ngiti pa mandin.

That particular night ay umayaw si John-John magpakuha ng picture with the said HUNK.

Napawi ang pagtataka namin sa pag-ayaw ni John-John papicture nu’ng mommy na ng apo ko ang magdayalog ng: "Ay, bakit parang Bading siya? Namutla nga siya (‘yung HUNK) nu’ng tawagin mo!"

And it dawned on us na ‘yun nga pala ang itsinika sa amin na kasama ng kapwa niya HUNK na TAKE HOME each other!

Eh kasama nu’ng aktor ‘yung nagtsika sa amin, kaya namutla ‘yung HUNK eh sinabi na siguro nu’ng nagtsika sa amin na alam na namin ‘yung naganap na tikiman!

Kaya naman pala sa kabila ng makapal na make-up eh nangibabaw ang pamumutla!

‘Yan kasi, hindi ipitin nang mahigpit sa kilikili ‘yung hindi dapat sumingaw, ‘noh?!

***

Hindi matutuloy si Juday bukas sa SINULOG sa Cebu. Takda sanang sumakay sa karosa ng Lhuillier sa parada si Juday na ikinatuwa ng mga fans niyang gusto siyang makita uli in person pero NAGTITIPID YATA ANG LHUILLIER DAHIL HINDI RAW KAYA NG BUDGET nila ang trip na balikan lang naman!

How is that again, Jane? Ngayon pa NAGTIPID si    TARZAN?

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top