|
|
ENTERTAINMENT
Ara, inalok mag-congresswoman Kasamang dumating ni Ara
Mina sa presscon niya para sa fundraising pre-Valentine at anniversary
concert niyang Loving Ara @ 15 (gaganapin sa Pebrero 3 sa Araneta ‘Lucky charm’ ang turing ni Ara sa kanyang 14-anyos na kapatid na mahal na mahal niya at hindi niya ikinahihiya kahit na may kapansanan (isinama niya pa ito sa kanyang pictorial). Mula pa nu’ng bata si Batching ay close na close na rito si Ara at siya ang nagpaaral sa kapatid sa mga special school para matulungan ang kalagayan nito. Ang Down Syndrome ay isang uri ng genetic disorder na nagiging sanhi ng physical at mental disability o retardation. Ayon kay Ara, ang bunso niyang kapatid ang isa sa naging inspirasyon niya para tumulong sa mga batang mahihirap na may sakit at magtayo ng sarili niyang foundation. Malaking bahagi ng kikitain sa kanyang Araneta concert ang mapupunta sa Ara Mina Foundation na tumutulong sa pagpapagamot at pagpapaospital ng mga batang may karamdaman. Matagal nang nagtsa-charity work si Ara dahil maraming lumalapit sa kanya para humingi ng tulong. Nagpasya siyang magtayo ng sarili niyang foundation para mapalawak niya ang kanyang pagtulong at maging legal ang pagsu-solicit niya ng mga donasyon at suporta mula sa mga kakilala niyang may mabubuting puso. Aware si Ara na dahil sa ginagawa niyang pagtulong ay nabibigyan ito ng kulay at sinasabing paghahanda na niya ito sa pagsabak niya sa mundo ng pulitika. Ayon kay Ara, maraming nag-aalok sa kanyang pumasok sa pulitika pero hindi raw ‘yon ganu’n kadali kaya ayaw niya muna itong isipin. Hindi lang mga kaalyado ng ama niyang si Chuck Mathay sa district 2 ng Quezon City ang kumukumbinsi sa kanyang tumakbo, may mga nag-aalok din sa kanya maging sa Marikina, Antipolo at Pampanga. "Would you believe, ‘yung iba eh, inaalok akong tumakbong congresswoman? Actually, sa ngayon, mas lamang pa rin na hindi ako tatakbo. Kasi, ngayon pa nga lang, wala na akong time sa lovelife at sa family ko, eh di lalo na pag nagpulitika ako?" bulalas ni Ara. "At saka ngayon pa nga lang, may mga nanlalait na sa akin na kesyo bobo raw ako! Bakit, utak lang ba palagi ang kailangan sa pulitika? Ang kailangan din diyan eh, may puso ka sa pagtulong! "Lahat naman ng bagay, napag-aaralan, di ba? Kung bobo ako, siguro hindi naman ako tatagal nang ganito sa industriya! Pinagtatanggol ko lang ang sarili ko dahil tumutulong ka na nga, nilalait ka pa!" himutok niya. *** Hanggang sa presscon niya sa Zayteenya Bar & Grill sa Timog ay hindi pa rin sigurado si Ara kung anong magiging partisipasyon ng nobyo niyang si Polo Ravales sa concert niya (bukod sa ‘paggamit’ niya sa katawan nito sa poster). Paliwanag ni Ara, medyo nagkaproblema sa schedule ni Polo dahil nire-require ni Direk Rowell Santiago (magdidirek ng concert) na meron pa silang video shoot kaya hinahanapan pa ito ng oras dahil hindi magtugma ang sked nilang magsyota. Nabanggit din niya na ilang araw nang may lagnat si Polo at sumasakit ang tiyan nito. Malamang kasali raw si Polo sa mga surprise guests pero okey lang kay Ara na wala itong special number tulad din ng sister niyang si Cristine Reyes dahil baka magmukha na raw ‘family affair’ ang nasabing concert. Aniya, kumpleto ang pamilya niya (sa Reyes side at Mathay side) sa gabing ‘yon at for the first time ay makikita in one venue ang ama niyang si Chuck Mathay at ang kinagisnan niyang ama na si G. Romeo Reyes (kung saan apat ang kapatid ni Ara). Iimbitahan niya sa kanyang concert ang ex-BF niyang si Jomari Yllana. Kaswal na sumagot si Ara na wala na silang komunikasyon nito at tatawagan niya pa lang ang bradir ni Jom na si Anjo para bentahan ng tiket. "Pero welcome si Jomari kung gusto niyang manood ng concert ko. Isama niya si Pops (Fernandez, present GF ni Jom) kung gusto niya!" nakangiting sey ni Ara. *** Ang noontime show na Eat Bulaga ang tampok sa episode ngayong gabi ng Showbiz Stripped sa GMA. Sa episode na ‘Eat Bulaga…Patuloy Pa Ring Nambubulaga!’ ay mapapanood dito ang mga taga-Eat Bulaga (at dating taga-EB) na nasasangkot lately sa mga intriga’t kontrobersya. Abangan ang interview kay Gladys Guevarra at ang mga pahayag ng nali-link ditong si Janno Gibbs. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|