|
|
ENTERTAINMENT
Mr. Tropical Body Naku, Tita Pidz at Tita Dwarding! Magsisimula na ang bikini contest na Mr. Tropical Body 2007 mamayang gabi sa Lips Bar, #152 Aurora Blvd., San Juan, MM (malapit sa J. Ruiz MRT station). Limang lalaking modelo ang rarampa. Walong linggo ang weekly elimination, kung saan ang weekly winner ay tatanggap ng P1,000 at ang apat na talunan ay may consolation prize na P500. Ang tiket sa palabas ay P150. Para sa mga detalye, makipag-alam kay Kiray sa cell# 0921-395-2505. *** Celebrity tandems ang magtatagisan sa All Star ‘K’ bukas nang gabi sa GMA 7. Magpapasiklaban sa videoke challenge sina Jao & Diego Mapa, Belli Flori & Belly, Ara Mina & Cristine Reyes, Lolit Solis & Ricky Lo, Mark Herras & Rainier Castillo, Ta & Aryana, at Rey & Hansen (ng Take 5). Ang hired K!Llers ay sina Lotlot de Leon, Princess at Charming. *** Gaganapin sa Martes (Enero 23) nang 10:00 PM ang fashion revue na Behind The Scene sa Club Manhunt, Arquiza St. cor. M. H. del Pilar, Ermita, Manila. Tampok dito ang mapangahas na Calendar Boys 2007, sa pangunguna ni Brent Lee (dating Brent Lorenzo, kasama sa pelikulang Fantasya ni Brillante ‘Dante’ Mendoza). *** Sa ilang buwang pagsubaybay ng bayan sa superseryeng Super Inggo, hinarap ni Budong (Makisig Morales) ang iba’t ibang problema, pagsubok at mga maligno. Nakita ng mga manonood ang kadakilaan ng puso ni Budong kaya naging ‘superhero’ siya sa buhay ng kanyang mga kapamilya, kaibigan at mga kababayan. Ngayong nabunyag na ang misteryong bumabalot sa pagkatao niya, sino ang mas pipiliin ni Budong sa kanyang dalawang ina? Si Pacita (Angelu de Leon) na kinilala niyang nanay mula’t sapul, o si Bugan (Ai Ai de las Alas), ang tunay niyang inang kampon ng kasamaan? Sino ang mas matimbang? *** Napili ng Gawad Tanglaw (Gawad Tagapuring mga Akademiks ng Aninong Gumagalaw) si Brillante Mendoza bilang Best Director ng 2006, at ang obra niyang Kaleldo ang Best Film. Ang gabi ng parangal ay sa Marso 1 nang 6:00 PM sa Ernesto Palanca Auditorium ng University of Perpetual Help System Dalta, Las Piñas City. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|