JANUARY 19, 2012 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 18, 2012
As of 2:40 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.464
Euro 55.5490
HK Dollar 5.60731
Japan Yen 0.567584
Saudi Riyal 11.6080
S’pore Dollar 33.9172
Taiwan Dollar 1.45319
UAE Dirham 11.8510
UK Pound 66.7756
 
Custom Search
TNT KONTRA TIGERS
ni Ramil cruz
Gumawa si Jason Castro (kaliwa) ng 21 points para pangunahan ang Talk ‘N Text sa pagsampa sa finals ng Philippine Cup sa Astrodome kagabi. (Mike Taboy)

Finals Game 1 bukas: (Digos City)
6:45 p.m. – Talk ‘N Text vs. Powerade

Hinabol ng Talk ‘N Text ang 12 points down sa 1st quarter at ang pito sa 2nd sa kagila-gilalas na pagbabalik mula sa 1-3 series deficit para masi­ngitan ang karibal na Petron Blaze sa matensyong knockout Game 7, 92-91, at selyuhan ang pangalawang silya sa Finals ng PBA Philippine Cup sa ‘di mahulugang karayom na Cuneta Astrodome.

“For any team going back from 1-3 hole, it’s something special,” deklara ni TNT coach Chot Reyes, sinakote ang Games 5 (93-91) at 6 (11-108) sapul nang mamayagpag sa opener (87-83). “We won it after Game 4, we won it as a team.”

Unang sumampa sa championship ang Powerade Tigers ni Bo Perasol nang patahimikin ang Rain or Shine Elasto Painters 107-98 sa first game.

Umiskor si JVee Casio ng 25 points para pangu­nahan ang balanseng atake ng Tigers, nakakuha ng momentum sa second at third quarters.

Tinapos ni Gary David ang 24-point performance sa isang 15-foot jumper para ilayo ang Powerade 105-96 pagkatapos ng back-to-back 3s nina Jeff Chan at Gabe Norwood na nagdikit sa RoS sa pito.

Nagsumite si Jason Castro ng 22, umayuda ng 15 si Ranidel de Ocampo, may 14 si Jimmy Alapag, 11 kay Ali Peek at tig-10 sina Jared Dillinger at Larry Fonacier para sa TNT
Noong 1986 pa may huling nakapagdepensa ng all-Filipino title, ang Great Taste.

Si Reyes ang nagbigay ng dalawang korona ng Tigers na kilala pa bilang Coca-Cola at nasa ilalim pa ng San Miguel Corporation umbrella–2002 All-Filipino at 2003 Reinforced.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION