JANUARY 19, 2012 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 18, 2012
As of 2:40 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.464
Euro 55.5490
HK Dollar 5.60731
Japan Yen 0.567584
Saudi Riyal 11.6080
S’pore Dollar 33.9172
Taiwan Dollar 1.45319
UAE Dirham 11.8510
UK Pound 66.7756
 
Custom Search
Baby Nate nina Ogie at Songbird, tinawag na Angry Bird
GORGY RULA

 

PINAGKAGULUHAN si Baby Nate nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa presscon ng Valentine concert ng mag-asawa na Mr. and Mrs. A kahapon sa Cravings Morato.

Proud na proud sila na ipinakilala sa mo­vie press ang kanilang anak na napapansin na­ming titig na titig kay Regine kapag kinakausap niya ito.

Iyan ang isa sa ipinagmamalaki ni Ogie sa pagiging ina ni Regine dahil nakatutok siya sa pag-alaga sa kanilang baby at nakikita mo ang koneksyon nilang mag-ina.

Naikuwento ni Regine ang kanyang post partum blues dahil halos tatlong linggo raw na hirap siyang magpa-breastfeed at walang gatas na lumalabas.

“Nu’ng una, hindi nagla-latch si Nate. And I have very little milk. For about three weeks, bumibili ako ng breast milk sa breast milk bank ba ‘yun?” lahad ni Regine.

“Merong days na iyak na lang ako nang iyak, kasi, hindi ko alam kung papa’no ko pakakainin ang baby. Kasi, ayokong mag-formula sana.

“Kasi nag-prepare talaga ako ng lahat, mga things niya, everything, mga gamit. Nag-prepare ako psychologically na pati pagpupuyat.

“Ang hindi ko na-prepare, ang breastfeeding. Kasi, ang feeling ko, may breast ka naman, nandiyan lang ang milk. Akala ko, ganu’n kadali. Iyun pala, it’s one of the hardest.

“Pag pre-mature baby, pag pre-term, hindi agad nagla-latch.

“Nakaka-depress na hindi mo mapadede ang baby, umiiyak na tina-try mo i-feed. umiiyak siya. You feel inadequate.

“May mga breastfeeding counselor pa ako na nagpunta sa akin.

“Sa dami ng mga nakausap ko na breastfeeding counselor, one day I was trying to feed him, naisip ko, ilabas ko kaya ang boobs ko, tapos, pahanap ko na lang sa kanya… and he did.

“Nahanap naman niya.

“Ahh, okey. Ready na siya.

“Nung time na ‘yun na nakakadede na siya, parang nawala na ‘yung baby blues ko. ‘Yun lang pala ‘yun,” natatawa pang kuwento ng Songbird.

Mabuti at na-handle nang maayos ni Ogie ang mga kadramahan ni Regine sa ganu’ng stage.

Lahad ni Ogie, “Si Regine naman kasi, if she wants to focus on something, nagagawa naman niya eh.

“Yung pag-iiyak niya, hindi naman out of depression iyun, eh. Tingin ko, napu-frustrate lang siya.

“So, ang role ko du’n siyempre, i-encourage siya na kaya mo naman ‘yan, eh.”

Ang concert nila na Mr. and Mrs. A ang bale hudyat nang pagbabalik na ni Regine sa showbiz, pero limi­tado pa rin ang mga tatanggapin niyang trabaho dahil kay Baby Nate ang focus nito.

Gusto niyang kung kaya lang, isang taon niyang ibi-breastfeed ang kanyang anak at perso­nal niyang matutukan ang pag-alaga sa bagets.

Sana raw ay hindi siya aluking gumawa ng drama series dahil mahirap pagsabayin ang magdamagang taping sa pag-aala­ga sa kanyang anak.

Okay na muna itong concert na gagawin nila sa Pebrero 14, Martes, 8:00 P.M. sa Smart Araneta Coliseum.

Tiyak na matutuwa raw ang mga supporters niya sa concert na ito dahil may participation pa ni Baby Nate.

Kung ano ang gagawin nito, iyun daw ang isa sa mga sorpresa na pinaghahandaan nila.

Special guests sa Va­lentine concert sina Dingdong Dantes, Vice Ganda, Erik Santos, Angeline Quinto, Kyla at ilang surprise guests.

***

Gusto ni Ogie na ‘Tatay’ ang itawag sa kanya ni Baby Nate.

“I like the sound of it,” sambit ni Ogie.

“Sa Daldalita, tinawag ako ni Jillian Ward, ‘Tatay! Tatay Ogie!’ Maganda ang tunog.

“Ok rin naman ang Dad, Papa, Dadd… pero mas gusto ko talaga, Tatay.”

Eh si Regine?

“Nanay Songbird,” sabi ni Ogie.

Nagbiro ang isang press, “Mudra!”

“Huwag ganu’n!” mabilis na reaksyon ni Ogie.

“Mudra… para sosyal,” natatawang pakli ni Regine. “Dahil ang tawag sa akin, Songbird, minsan na nag-iiyak si Nate… tinawag siya ng nanay ko na Angry Bird!”

***

Doon pa rin sa presscon ay in-announce ng mag-asawa na sa linggo na ang binyag ni Baby Nate.

Gaganapin ito sa isang simbahan sa Makati at siyam na pares daw ang kinuhang ninong at ninang.

Kabilang sa mga ito ay sina Sen. Bong Revilla, Cong. Manny Pacquiao at ang asawa nitong si Jinkee, Dingdong Dantes, Atty. Jimmy Duavit, Raul Mitra, Judy Ann Santos, Kris Aquino, Ai Ai de las Alas, Cacai Mitra, kapatid na lalaki ni Ogie at Michelle van Eimeren.

Bale iyun ang Catholic na binyag.

Christian si Ogie, at meron ding dedication sa kanilang mga Christian, kung saan kabilang sa mga ‘ninong’ sina Gary Valenciano, Piolo Pascual at asawa ni Michelle van Eimeren na si Mark.

Inuna nila ang sa Catho­lic church dahil parang pagpapakilala na rin ito ng kanilang anak sa buong pamilya at malalapit na kaibigan.

Hindi makakadalo siyempre si Michelle, pero magkikita raw silang lahat sa Singapore na naka-schedule na raw sa Setyembre.

Doon na raw nila dadalhin si Baby Nate para makita na rin ng mga kapatid nitong sina Leila at Sarah.

Abangan ang mga detalye ng binyag na ito sa Startalk at mapapanood ang live coverage nito sa Showbiz Central.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION