JANUARY 19, 2012 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 18, 2012
As of 2:40 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.464
Euro 55.5490
HK Dollar 5.60731
Japan Yen 0.567584
Saudi Riyal 11.6080
S’pore Dollar 33.9172
Taiwan Dollar 1.45319
UAE Dirham 11.8510
UK Pound 66.7756
 
Custom Search
PROSECUTION SA CORONA SALN: ‘NAPAKALAKI NG DISCREPANCIES’
Ni Bernard Taguinod
 

Kumpiyansa ang pro­secution team na masisilo na nila si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona matapos makita ang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) na hindi umano tumutugma sa tunay na mga ari-arian nito.

Sa press conference ng prosecution team kagabi matapos ang ikatlong araw ng paglilitis, sinabi ng prosecution team spokesman na lalong lumakas ang kanilang paniniwala na mayroong itinatagong lihim si Corona pagdating sa kanyang kayamanan nang makita ang kopya ng SALN na napilitang isurender ni SC Clerk of Court Enriqueta Esguerra-Vidal.

Ayon kay Aurora Rep. Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara, napakalaki ng discrepancies sa SALN at sa mga ari-arian ni Corona.

“Napakalaki ang discrepancies ng kanyang SALN sa kanyang mga mga ari-arian,” ani Angara.

“As far as the Chief Justice is concern. Marami sa mga sinasabing propterties na na-acquire from 2002 up to 2010 ay maaaring hindi masuportahan pagdating sa SALN na ito,” pahayag naman ni Prosecution team lead spokesman Rep. Miro Quimbo.

Ayon pa sa prosekusyon, nang maging Associate Justice ng SC si Corona noong 2002 ay halos P14.9 milyon lamang ang total networth nito at mula 2003 hanggang 2009, nanatili sa P14,059,000 ang halaga ng kanyang yaman.

“During this entire period (2003 hanggang 2009), it is the period even based on his own admission that he bought pro­perty in Bellagio, he bougth properties in Columns, he bought properties Bonifacio Ridge. This is base on his own testimonies,” ani Quimbo.

Ayon pa sa prosekusyon, tumaas lamang ang SALN ni Corona noong 2010 kung saan umabot ng P18 milyon ang kayamanan nito.

“If you look at 2009 SALN, that these properties supposedly acquired in 2010, his net assets is P14 million in 2009 and P18 million in 2010. Now, I don’t think you can fit in five condominium properties here. Wala pa dito ang properties in Quezon City and the likes,” pahayag pa ni Quimbo.

Nai-tip ang SALN

Samantala, nai-tip umano sa Senator Judges na dala-dala ng Clerk of Court ng Supreme Court na si Vidal ang kopya ng SALN.

Ito ang impormasyong nakalap ng Abante/TONITE sa ilang mapagkatiwalaang impormante sa Impeachment court kaya umano napaamin si Vidal na dala nga nito ang SALN ni Corona.

Maging ang prosecution team ay walang ideya na mayroong bitbit si Vidal na mga dokumento kaya tinanong siya ni Atty. Mario Bautista, lead private prosecutors kung dala nito ang SALN.

“Your honor, in view of resolution of the court en banc May 2, 1989, I am res­tricted because it says here in one of the guidelines that all request for Statement of Assets, Liabilities  will have to file to the clerk of court…it means that will be only be filed with me. Whether or not it should be given will depend on the court,” ayon kay Vidal bilang sagot sa tanong ni Bautista.

Gayunpaman, nabigyan na umano ng impormasyon ang mga senator/judge na may dala itong SALN dahil nakitaan ito nang dumaan sa security check bago pumasok sa gusali ng Senado.

Si Senator-Judge Frank­lin Drilon ang nakapagpaamin kay Vidal kung dala nito ang mga kopya ng SALN ni Corona. Gayunpaman, hindi naging madali na makuha ng Impeachment court ang SALN ni Corona kay Vidal dahil pinagdebatehan muna ito nang tangkain ng defense panel na harangin ito dahil sa umiiral na kautusan ng SC noong 1989 na bawal isapubliko ang SALN ng lahat ng mga mahistrado.

Ngayong araw na ito, walo pang testigo ang nakatakdang sumalang sa impeachment court. (With Boyet Jadulco)

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION