JANUARY 19, 2012 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 18, 2012
As of 2:40 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.464
Euro 55.5490
HK Dollar 5.60731
Japan Yen 0.567584
Saudi Riyal 11.6080
S’pore Dollar 33.9172
Taiwan Dollar 1.45319
UAE Dirham 11.8510
UK Pound 66.7756
 
Custom Search
Talunang solon papansin sa impeachment court
(Bernard Taguinod)

Isang talunang mambabatas ang aali-aligid sa impeachment court para makakuha ng atensyon ng media lalo na’t nagbabalak itong bumalik sa pulitika sa 2013.

Ito ang naobserbahan ng DPA ng TONITE ukol sa mambabatas na ito na nagpapa-cute at pakalat-kalat sa lugar na ibinigay sa mga mamamahayag para marahil ma-interview.

Matagal na kasing wala sa sirkulasyon ang dating mambabatas na ito na natalo noong nakaraang eleksyon kaya nanga­ngangailangan marahil ng atensyon ng media.

Gayunpaman, dahil wala namang talagang papel kundi usi as in usisero lamang sa impeachment trial, walang nakukuhang interview ang dating mambabatas na ito sa tatlong araw na pagtatambay sa Impeachment court.

Taliwas ito noong nasa poder pa ang mokong na mahirap umanong interbyuhin lalo na kung hindi broadcast media ang nag-i-interview sa kanya.

Sa katunayan, nababanas pa ang mga mamamahayag sa kanya dahil maging sa loob ng Impeachment court as in sa Senado ay mahigpit siyang binabantayan ng kanyang mga unipormadong security guards.

Parang presidente kasi kung bantayan ng kanyang mga security ang dating mambabatas na ito dahil may huma­hawi sa mga taong madadaanan nila kahit isinuka na sila noong nakaraang elek­syon.

Pero ang labis na ipinagtaka ng DPA ng TONITE, hindi nali-late sa Impeachment court ang dating mambabatas hindi tulad noong miyembro pa ito sa isa sa dalawang Kapulungan ng Kongreso na kahit sa sariling hearing ay nahuhuli kaya nabansagan din ito bilang “the late solon”.

Clue: Kung dating senador o dating congressman ang ex-solon na ito ay hindi ko na sasabihin pero parang “naglalaway” ito sa interview kaya nakikihalo-bilo sa mga mamamahayag.

Mayroon siyang inis­yal na D as in bastos sa mga Amerikano ang kanyang inisyal na hindi na bibigyan ng kahulugan.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION