JANUARY 19, 2012 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 18, 2012
As of 2:40 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.464
Euro 55.5490
HK Dollar 5.60731
Japan Yen 0.567584
Saudi Riyal 11.6080
S’pore Dollar 33.9172
Taiwan Dollar 1.45319
UAE Dirham 11.8510
UK Pound 66.7756
 
Custom Search
Magbakasyon muna
EDITORIAL
 

Maraming grupo na ang nananawagan kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona na magbakasyon muna habang isinasagawa ang impeachment trial laban dito.

Kabilang sa pinakahuling umapela ay si dating Senador Rene Saguisag at ang Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Cebu na humirit na mag-leave of absence muna si CJ Corona upang hindi umano madawit ang SC sa kanyang kinakaharap na impeachment case.

Hindi sapat ang dahilan ng SC na hindi apektado ang buong sa­ngay ng hudikatura sa kaso ni Corona dahil sa nangyaring pagsu­god ng mga empleyado noong unang araw ng paglilitis at nakiisa sa mga aktibidades na may kaugnayan sa pagpapamalas ng suporta sa Punong Mahistrado.

Para sa amin, hindi dapat na abandonahin ng mga opisyal at tauhan ng korte ang kanilang trabaho para lang magpakita ng suporta kay Corona.

Masyado na ngang mabagal ang proseso ng ating hustisya dahil sa limitadong mga resources dahil umaabot sa 600,000 kaso ang nakabinbin sa iba’t ibang korte ng bansa ay mababawasan pa sa panahon ng impeachment trial ay malaking kakulangan ito.

Kaya kahit anong palusot ng SC chief na hindi nito gagamitin ang oras, mga tauhan at iba pang resources ng SC pabor sa kanyang impeachment case ay mahirap itong paniwalaan at panghawakan.

Kaya sa ngalan ng isang patas na laban, pinakamainam na magbakasyon muna ang SC chief dahil lantaran na ang pagkakakaladkad ng SC sa eskandalong kinasasangkutan ng kanilang pinuno.

Hindi rin isyu sa aming palagay na wala itong ginawang mali o ninakaw para magbakasyon kundi pinakamainam na hakbang na ito para hindi makaladkad ang buong institusyon sa alam nating lahat na personal nitong laban.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION