JANUARY 19, 2012 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 18, 2012
As of 2:40 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.464
Euro 55.5490
HK Dollar 5.60731
Japan Yen 0.567584
Saudi Riyal 11.6080
S’pore Dollar 33.9172
Taiwan Dollar 1.45319
UAE Dirham 11.8510
UK Pound 66.7756
 
Custom Search
“Ang Pinakawalanghiyang Tao sa Balat ng Lupa”
REP. BOLET BANAL

 

Kung naaalala mo si Gloria Diaz, dating Miss Universe na may pelikula noong 1975 na pinamagatang “Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa”, medyo may edad ka na siguro para maging saksi sa yugyugan ng 70’s -- panahon ng pinakamalapad na kwelyo, pinakama­kintab na kasuotan at pinakamataas na takong sa history ng disco at fashion.

Bagama’t makulay, ang panahong ito ay itinuturing na isa sa pinakamadilim na kabanata sa ating kasaysa­yan; noon, nakagapos ang ating demokrasya, nakabusal ang media, at ang lahat ng sangay ng pamahalaan -- kasama na ang hudikatura -- ay kontrolado ng iisang tao.

Ngayon, malaya ang media sa kanilang pamamahayag; at ang Punong Mahistrado, ang pinakamataas na pinuno ng hudikatura, ay malayang magtalumpati, malayang magparatang, at malayang tawaging diktador ang isa sa mga pinakapopular na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Ang episode ng programang XXX noong Lunes ay isang magandang halimbawa ng isang masiglang demokrasya. Sa interbyu ni Anthony Taberna kay Chief Justice Renato Corona, malayang nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawa. Malinaw na panatag ang kalooban ng Punong Mahistrado, komportable at pangiti-ngiti, tulad ni Ginoong Taberna.

Inilahad ni CJ Corona ang kanyang sama ng loob sa kanyang mga kalaban, sa mga ulat na lumalabas tungkol sa kanyang mga ari-arian, sa pagdawit sa kanyang pamilya, at sa pag-ungkat sa kanyang makulay na nakaraan -- bilang dating Chief of Staff, Spokesperson at Executive Secretary ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Nang marinig ko na tawagin ni CJ na “black propaganda” ang mga ulat tungkol sa mga mamahaling ari-arian ng kanyang pamilya, naalala ko ang mga pamil­yang pinaratangang nagpayaman sa panahon ng nakaraang administrasyon, at ‘yung mga nagpayaman noong panahon ng Batas Militar, ang pinakamadilim na kabanata ng ating demokrasy

.
Nang marinig ko ang tugon ng pinakamataas na pinuno ng pinakamataas na hukuman -- “pinalalabas na ako ang pinakawalanghiyang tao dito sa mundo” -- naalala ko ang pinakamagandang babae sa buong Pilipinas at sa buong universe noong kapanahunan niya, si Gloria Diaz, ang “Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.”

Ayon kay Prosecutor Sherwin Tugna ng CIBAC Party-list: “Kahit na hindi siya ang pinakawalanghiyang tao sa mundo, maaari pa rin po siyang ma-impeach. As the highest magistrate, the law requires him to adhere to the highest degree of propriety. Dahil hindi niya kayang tumupad sa pinakamataas na antas ng katapatan sa ba­yan, hindi po dapat na manatili bilang Chief Justice si Ginoong Corona.”

Ayon sa Saligang Batas, “a member of the Judiciary must be of proven competence, integrity, probity and independence.” Ibig sabihin, kahit na medyo walanghiya lang o kahit na walanghiya lang ng konti ang isang tao, hindi siya maaaring maging isang hukom o ma­histrado.

Ano pa kaya kung Punong Mahistrado na ang pinag-uusapan?

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION