JANUARY 19, 2012 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 18, 2012
As of 2:40 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.464
Euro 55.5490
HK Dollar 5.60731
Japan Yen 0.567584
Saudi Riyal 11.6080
S’pore Dollar 33.9172
Taiwan Dollar 1.45319
UAE Dirham 11.8510
UK Pound 66.7756
 
Custom Search
Ulo natagpuan: Katawan ng driver buo na

(JB Salarzon)

Halos isang buwan matapos matagpuan ang pugot at agnas na bangkay ng isang jeepney driver ay natagpuan na kamakalawa ang nawawalang ulo na bungo na lamang nang lumutang sa tabi ng Putol River sa Pangil, Laguna.

Ayon kay Senior Supt. Gilbert Cruz, director ng Laguna Provincial Police Office, natukoy ang bu­ngo ng biktimang si Edgardo Ebarbia, 49, sa pamamagitan ng dental record, hugis ng noo at mukha nito na ibinigay ng kanyang anak na si Christina sa mga eksperto.

Matatandaan na noong Disyembre 2, halos dalawang buwan makaraang ideklara ang biktima na nawawala ay natagpuan ang agnas na bangkay nito na ‘di kalayuan kung saan natagpuan ang kanyang bungo.

Sa resulta ng imbestigasyon noon ng pulisya, biktima si Ebarbia ng hol­dap at saka pinatay.

Isa sa mga suspek ang nahuli na noon sa isinagawang follow-up operation at kinilala ito na si Noah Macabasco, na naaresto noong buwan ng Disyembre.

Si Macabasco ay nabaril at napatay ng mga pulis matapos magtangkang tumakas habang siya ay dinadala pabalik sa presinto matapos ang kanyang inquest proceeding.


 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION