JANUARY 19, 2012 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 18, 2012
As of 2:40 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.464
Euro 55.5490
HK Dollar 5.60731
Japan Yen 0.567584
Saudi Riyal 11.6080
S’pore Dollar 33.9172
Taiwan Dollar 1.45319
UAE Dirham 11.8510
UK Pound 66.7756
 
Custom Search
Misis nadedo sa tetano

(Juliet de Loza)

Namatay sa tetano sanhi ng malaking sugat ang isang 32- anyos na ginang na namumulot ng basura matapos tamaan ng backhoe ang hita sa Tondo, Maynila.

Idineklarang patay, kamakalawa ng gabi sa Tondo Medical Center ang biktimang si Anita Borja, may-asawa ng Sitio Dama­yan, Pier 18, North Harbor, Tondo, Maynila.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Romy Sonza, 40, driver/operator ng heavy equipment at empleyado ng Miten Trading na nakabase sa Porac, Pampanga na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11:45 ng gabi noong Lunes nang naganap ang insidente sa staging area ng Philippine Ecology System (PELECO) sa Pier 18, North Harbor, Tondo, Maynila.

Nalaman na kabilang ang biktima sa mga sca­venger na namumulot ng basura mula sa idinidiskargang barge ng PELECO habang ang kumpanyang Miten ang naghahakot ng basura gamit ang backhoe.

Nakaramdam umano ng pagod ang biktima kaya umupo ito sa ibabaw ng barge na may mga lamang basura at tiyempo namang naglilipat ng basura ang suspek sa isa pang barge gamit ang backhoe at hindi nito napansin na naroon ang biktima at sa puntong pinaikot nito ang backhoe nang aksidenteng tamaan ng dulo nito ang hita ng biktima.


 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION