JANUARY 19, 2012 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 18, 2012
As of 2:40 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.464
Euro 55.5490
HK Dollar 5.60731
Japan Yen 0.567584
Saudi Riyal 11.6080
S’pore Dollar 33.9172
Taiwan Dollar 1.45319
UAE Dirham 11.8510
UK Pound 66.7756
 
Custom Search
Kilabot ng mga bading natimbog

(Juliet de Loza)

Nadakip ng mga ope­ratiba ng Manila Police District (MPD) ang ini­ngusong suspek sa pagpatay at panloloob sa bahay ng isang bading na inakusahang hindi nagbayad ng tama noong Martes sa Sampaloc, Maynila.

Binitbit sa MPD-Homicide Section ang mga suspek na sina Jordan Gino Apiag, 22, ng Del Mundo St. Valenzuela City at Ro­naldo Joson, 21, ng Bayani St. San Isidro, Galas, Quezon City na kapwa nahaharap sa kasong robbery with homicide.

Ang dalawa ay kinasuhan dahil sa pagkamatay ni Mario Dominic Velasco, 47, sa loob ng kanyang bahay sa Luna St. Sampaloc.

Si Velasco ay nasawi dahil sa 11 saksak na karamihan ay sa leeg, balikat at ulo ang tama.

Inakusahan ni Niño, kapatid ng biktima na callboy ang mga suspek at modus operandi nila ang pagmamasahe para malooban at patayin ang kanilang kliyente.

Sinabi naman ni Joson na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ng biktima dahil si Apiag lang ang sumaksak kay Velasco.


 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION