JANUARY 19, 2012 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 18, 2012
As of 2:40 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.464
Euro 55.5490
HK Dollar 5.60731
Japan Yen 0.567584
Saudi Riyal 11.6080
S’pore Dollar 33.9172
Taiwan Dollar 1.45319
UAE Dirham 11.8510
UK Pound 66.7756
 
Custom Search
Tirador ng rent-a-car nalambat
(Armida Rico)

Sabay-sabay na dumagsa sa headquarters ng Las Piñas Police ang mga nagmamay-ari ng rent-a-car business nang madakip ng pulisya ang isang ginang na sangkot sa pagtangay ng mga inaarkilang kotse kamakalawa ng gabi sa nasabing lungsod.

Huli sa akto ng mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit at Intelligence Unit ng Las Piñas City Police ang suspek na si Honie Venus Fernandez, 38, nakatira sa Blk 3 Lot 22 Casimiro Town House, Queens­row, Bacoor, Cavite, habang minamaneho papala­bas ng open parking area ng SM South mall dakong alas-6:15 ng gabi ang Toyo­ta Vios na may plakang TWJ-387 na nakarehistro sa biktimang si Joseph Patrick Quimel, may-ari ng ZEP rent-a-car na nasa 735 Rizal Avenue, Olongapo City.

Ayon kay Sr. Supt. Romulo Sapitula, hepe ng Las Piñas City Police, humingi sa kanila ng tulong si Quimel matapos nilang matunton ang kotseng inarkila sa kanila ng isang nagpakilalang Joseph Clores Lim, noong Enero 15, 2012 subalit hindi na umano ito isinoli.

Ang hindi batid ng mga suspek ay may nakakabit na global positioning system (GPS) sa naturang sasak­yan kaya’t madali nilang natunton kung saan ito dinala ng umarkila sa kanila.

Nabatid na bukod kay Quimel, nabiktima rin ng grupo ni Fernandez ang iba pang negosyanteng nagpapatakbo ng rent-a-car business, kabilang sina Angelo Varron, Danilo Falcon, April Hautakorpi, Michael Macalino at isang Jonathan To.

Ang modus-operandi umano ng mga suspek na umarkila ng bagong sasakyan sa mga rent-a-car business na nasa malala­yong lalawigan bago dadal­hin ito sa lungsod upang ihanap ng buyer o katay-katayin.


 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION