JANUARY 19, 2012 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
January 18, 2012
As of 2:40 pm
U. States 43.5300
Bahrain Dinar 115.464
Euro 55.5490
HK Dollar 5.60731
Japan Yen 0.567584
Saudi Riyal 11.6080
S’pore Dollar 33.9172
Taiwan Dollar 1.45319
UAE Dirham 11.8510
UK Pound 66.7756
 
Custom Search
PATAY SA HULING KALABIT
Nina Nonnie Ferriol at Rommel Fuertes

“Isa, dalawa, tatlo.” Ganito umano ang ek­se­nang tumambad sa isang inuman nang bumulagta ang duguang katawan ng isang batang negosyanteng naglaro ng ‘russian roulette’ kaharap ang dalawang kainuman sa Marikina City kahapon.

Samantala, nagawa pa umanong isugod sa ospital ang 22-anyos na si Rakem Taiting, tubong-Minda­nao at residente ng 19th Barrera St. Bgy. Sto. Niño, su­balit binawian din ng buhay makalipas ang isang oras dahil sa tama ng bala sa tenga na tumagos sa kanyang noo.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nakikipag-inuman ang biktima sa tatlo nitong pinsan sa loob ng kanilang bahay, pasado alas-12:00 ng hatinggabi nang biglang magpaalam na may kukunin sa kanyang kuwarto.

Laking gulat ng mga kainuman nito nang pag­­balik ay dala na ang isang caliber .38 at habang ipinakita pa nito kung paano nilagyan ng isang bala.

Sinabi ni PO3 Rodrigo Pebreo, may hawak ng kaso na unang itinutok ng biktima ang baril sa mga kainuman at nang kalabitin ang gatilyo ay hindi ito pumutok. Isinunod umano nito ang isa pang kainuman at hindi rin pumutok.

Nabatid na tinangkang awatin si Taiting, subalit nagmatigas itong ituloy ang delikadong biro. 
Sinabi pa ng imbestigador na naging madugo ang sumunod na tagpo nang sa ikatlong kalabit ay pumutok ang caliber .38 nang itapat ng biktima sa kanyang sentido kaya’t sapol ang biktima.

Samantala, kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya para masigurong walang foul play sa nasabing krimen.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION