|
|
ENTERTAINMENT
Pautot ni Madam Auring, pinasingaw ng mga taga-bundok Kahapon sa taping ng SiS
ay inusisa namin si Snooky Serna tungkol sa tsismis na nangungutang siya
kay Ricardo Cepeda para may maibigay siya sa lovey-dovey Akala namin ay maiirita ang aktres sa isyung ‘yon, pero natawa pa siya bago nagpaliwanag. "It’s not true! Natatawa na lang ako. Bakit naman ako mangungutang kay Ricardo para may maibigay ako kay Nino? Hindi talaga totoo. "Saka akala lang ng iba, eh, pasan-pasan ko si Nino, but the truth is, may trabaho na siya. "Nagpupuyat si Nino sa work niya sa Makati, kaya hindi fair ang mga balitang naglalabasan. "Honestly, hindi ako galit sa mga nagsusulat ng ganyan, pero gusto kong i-clear din dahil hindi fair para kay Nino ang mga naglalabasan. "Actually, kasama ko nga ngayon si Nino rito sa SiS taping ko dahil kahit puyat siya sa work niya, ipinag-drive pa rin niya ako. Ang bait ni Nino para gawin ‘yan for me. "Saka hindi ako ipokrita, kung ano ‘yung kinikita ko, nakakapag-share rin ako paminsan-minsan kay Nino kapag ako ang nagti-treat kapag lumalabas kami, pero ganoon din siya. "Nagsi-share sa akin si Nino mula sa kinikita niya," pahayag ni Snooky. *** Nakaloloka ‘yung rebelasyon ni Archie tungkol sa relasyon nila ni Madame Auring nang ma-phone-patch interview namin siya nina Ogie Diaz at Ms. F sa aming Wow… Ang Showbiz! radio program sa DZXL (558khz AM at www.rmn.ph). Inamin niyang dahil lang sa pera kaya sumakay siya sa lahat ng mga drama ng girlfriend kuno niya. Sinabi ni Archie na hindi niya nakarelasyon si Madame Auring at gimmick lang nila ang lahat. Sinagot din ni Archie ang paratang ni Madame Auring na taga-bundok siya. Totoong taga-bundok daw siya, pero hindi nangangahulugan na naka-bahag at naka-tapak lang sila ng kanyang pamilya nang makilala ng notorious na manghuhula. Sabi ni Archie, dapat na ring manahimik si Madame Auring dahil nakinabang din ito sa kanya. Sa bawat guesting nila ay pareho silang kumikita sa natatanggap nilang talent fees. "Binabawasan po niya ng komisyon ang bawat perang kinikita ko sa mga guesting na ‘yon!" sabi pa ni Archie. Ipinagdiinan ni Archie na hindi siya nagpasasa sa pera ni Madame Auring dahil hindi raw totoong mayaman ang notorious na manghuhula. Ibinuko ni Archie na 67 na si Madame Auring at hindi totoong nabuntis niya ito noon dahil hindi raw sila nagtalik kahit kailan. Pinilit namin nina Ogie at Ms. F na kunin ang panig ni Madame Auring sa mga ipinahayag ni Archie, pero nagpahayag ito na ayaw nitong patulan ang boyfriend kuno. *** For feedback, email junlalin88@yahoo.com or text +63922-891-9989 |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|